"So you own this place?" Gulat at mariin kong tanong. Iminuwestra ko rin ang kamay ko sa labas ng villa namin dito sa isang exclusive resort na pinagdalhan niya sa akin. Sino naman ang hindi magugulat? Pamilyar sa akin itong lugar. I've been here! Dito ako pinag-stay ni Daddy kasama si Jaica after no'ng debut ko. I thought my mind was just playing tricks on me. Sa bawat madaanan namin kanina ay hindi naalis sa pakiramdam ko na nakapunta na ako sa lugar na ito. Naisip ko rin na baka nakita ko lang ito sa panaginip ko. O hindi kaya ay katulad lang nitong lugar na 'to ang iba sa mga napuntahan kong beach resort. "Not me, baby. My family owns this place," pagtatama nito sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mata ngunit hindi kalaunan ay nagkibit na lang ako ng balikat. Gano'n rin naman iyon.