PAGKAGISING kinaumagahan ay agad na tinawagan ni Cassius ang pamangkin na si Siege para ipaalam ang kaniyang mag-ina na hihiramin muna niya. Pero bago pa niya ito matawagan ay nauhanan na siya nito. “Tito, para saan 'tong 200 million na sinend mo sa account ko?” agad nitong tanong sa kaniya pagkasagot niya sa tawag nito. “It's a gift,” buntonghininga naman niyang sagot. “Pasasalamat ko 'yan sa pag-aalaga mo kay Lorelei at Jessi.” Siege chuckled. “Oh come on, Tito, hindi ko kailangan ng kahit na anong kapalit. Isang kaligayahan na hindi mapapantayan ng kahit na anong halaga ng pera ang pag-aalaga ko sa mag-ina ko.” “Basta tanggapin mo na lang 'yan bilang regalo ko.” “Alright then, hindi naman ako tumatanggi sa grasya,” pagpayag na nito. “Tamang-tama, pandagdag ko na lang 'to sa pinapag