Naisipan ni Lorelei na mag-impake na lang habang wala pa ang kaniyang mag-ama na hindi niya alam kung saan nagpunta, dahil pagkagising niya kanina ay wala na ang mga ito, at nang tanungin niya ang mga katulong and hindi rin alam ng mga ito, basta nakita lang lumabas na pareho pang nakasuot ng pantulog. Kaya naman kaysa mag-almusal mag-isa ay mas pinili na lang niya mag-impake na lang muna habang naghihintay, dahil tulad nga ng sinabi ni Cassius ay dadalhin sila nito mamasyal na hindi naman niya alam kung saan, dahil ayaw na niya magtanong pa gawa ng hindi na nga siya komportable pang kausap ito. Just as she finished putting her things into the suitcase, the door suddenly opened—without even a knock. Akala niya ay anak niya, pero paglingon niya ay si Cassius ang nakita niya na nakasuot p