HINDI mapigilan ni Cassius ang magalit nang marinig ang kuwento ng kaniyang secretary pagbalik nito.
“Tawagan mo si attorney at magsampa ka ng kaso sa babaeng ’yon,” he thundered, slamming his hand on the table. “How dare she lay a hand on my daughter!”
“Masusunod, sir.” Agad naman sumunod ang secretary at tinawagan nga nito ang attorney.
Cassius couldn't think straight anymore. Even as he sat through meetings and scanned the documents in front of him, his mind was somewhere else—lost, restless, consumed by something far more important.
Hanggang sa hindi siya nakatiis at pina-cancel na lang niya ang tatlo pa niyang appointment sana.
Napagdesisyonan na niyang umuwi na lang kahit alas tres pa lang naman ng hapon, sobrang aga pa, marami pa sana siyang matatapos na trabaho.
Habang nasa biyahe ay may tinawagan siyang chef at nag-order ng wagashi na maganda ang desigh. He needed it — not for himself, but for the one person who always managed to test his patience.
His adopted daughter.
She loved wagashi, adored it for how cute it looked. And right now, he needed every ounce of that sweetness to soften her fury.
Sa narinig niya pa lang boses nito kanina na umiiyak at galit, he could already feel the storm brewing. He knew her too well — her anger, her stubbornness, and how painfully difficult she was to appease.
Pagdating niya ng mansyon ay katahimikan ang sumalubong sa kaniya.
“Magandang hapon po, sir,” bati sa kaniya ng mayordoma nang makita siya.
“Where’s Lorelei?”
“Nasa kuwarto niya po, sir. Hindi ko po alam kung ano ang problema, pero umiiyak po kanina nang dumating.”
Napabuntonghininga na lang siya sa narinig at agad na umakyat ng stairs.
Imbes na pumasok muna sa kuwarto niya para magbihis muna, mas pinili niyang dumiretso sa room ng kaniyang ampon.
Pagdating niya sa nakasaradong pinto ng kuwarto nito ay marahan na siyang kumatok.
Walang sumagot sa una niyang pagkatok. Pero sa pangalawa ay sumagot na ang boses mula sa loob.
“Kayo po ba 'yan, Manang?”
“It's me, your dad,” he replied.
Hindi na niya narinig pa ang pagsagot nito. Nang pihitin niya ang doorknob ay hindi naman naka-lock.
“Papasok na ako,” paalam pa niya, ngunit hindi na siya sinagot pa.
Kaya naman marahan na niyang binuksan ang pinto at pumasok na nga.
Pagpasok niya ay nakita na niya ang kaniyang ampon na nakahiga sa kama nang patalikod.
Marahan na siyang lumapit at naupo sa gilid ng kama nito.
“Naging busy si Daddy kanina sa meeting,” panimula na niya at mahina pang bumuntonghininga. “I planned to come, but something urgent came up at the company.”
Hindi siya nito sinagot, hindi rin siya nilingon.
“Pinatawagan ko na si Atty. Craig, kakasuhan natin kung sino man ang nagsampal sa ’yo. Kaya huwag ka nang magtampo pa, gaganti na lang tayo sa babaeng 'yon.”
Hindi pa rin siya nito sinagot.
“Hindi mo ba ako papansinin?”
“I called a Japanese chef to make wagashi for you. It will arrive later. I told him to make the design beautiful.”
Nanatili pa rin itong tahimik at hindi pa rin siya tinapunan ng tingin.
“Saturday bukas, wala kang pasok. Mag-shopping ka na lang, bilhin mo lahat ng gusto mo.”
“I don't need material things.” Sa wakas sinagot na rin siya nito, pero nanatili pa rin nakatalikod.
“Then what do you want?”
Hindi na ito sumagot.
Cassius let out a heavy sigh again. Hinaplos-haplos na niya ang buhok ng kaniyang ampon. “Alright, this coming Monday, I'll visit your school and talk to that guidance counselor.”
“No need,” she answered, ngunit naroon pa rin ang pagtatampo sa boses.
Napangiti na si Cassius. “Huwag ka na magtampo pa sa daddy. Look at me now.”
Hindi ito humarap.
“Come on, I'm sorry kung hindi ako nakapunta.”
Hindi na muli sumagot.
“What do you want for dinner tonight?”
Silence.
“Let's watch a movie after dinner.
Silence.
“Lorelei.”
Silence.
“Alright, I'm sorry again. It was my fault. Pero huwag ka nang magmaktol pa, kakasuhan natin ang nagsampal sa ’yo. Pananagutin natin ’yon. Ang lakas ng loob sampalin ka, hindi ko mapapalampas ’yon.”
Silence.
“Come on, talk to me now.”
“Lorelei.”
“Sweetie.” Lumambing na ang boses niya habang patuloy ang marahan na paghaplos sa buhok nito. “Bakit ka ba ganiyan, ang hirap mong suyuin tuwing nagtatampo ka. Parang kailangan ko pang dumaan sa butas ng karayom para lang masuyo ka.”
Silence.
“Hindi ka na bata para umasal pa ng ganyan. Malaki ka na.”
Dahil sa sinabi niya ay nagulat na lang siya nang marinig ang paghikbi nito.
“Nanunuyo ka pero sinesermunan mo naman ako. I hate you!” galit na sagot nito at malakas na tinabig ang kamay niya.
Napakurap naman siya sa pagkabigla at nahinto ang paghaplos sa buhok nito.
“Oh god,” he muttered, closing his eyes as a heavy sigh escaped him. “Alright, I'm sorry. I was wrong. It was all my fault for not showing up at your school. Please, forgive me. But let's move on, okay? Kakasuhan natin ang sumampal sa ’yo, hindi ko palalampasin ’yon kahit sino pa siya. I swear, I’ll make her pay behind bars.”
She didn't answer and still didn't bother to look at him.
“Come here,” he said softly, opening his arms. “Come to Daddy now. Just give me a hug.”
Para lang siyang kumausap sa pader.
Muli ay isang malalim na buntonghininga ang kumawala sa kaniya.
Ito na nga ba ang sinasabi niya. Napakahirap suyuin kapag nagtatampo.
“Do you want me to cook for you? What do you want for dinner? Daddy will cook anything you want, even if I'm dead tired from work,” patuloy niyang panunuyo.
Ngunit hindi pa rin sumagot si Lorelei. Natigil naman ang paghikbi nito pero nanatili pa rin nakatalikod sa kaniya na halatang galit pa rin, nagtatampo.
“I'm tired from work, sweetie. Talk to me now, please. Huwag mo na akong pahirapan pa,” pagsusumamo na niya rito.
Pero katahimikan pa rin ang sumagot sa kaniya.
“Hindi ka ba naaawa sa daddy? I'm already exhausted from work, and now you're treating me like this... as if I've done something unforgivable.”
Silence.
“Come on now, talk to me.”
Silence.
“Sweetie, please.”
Napahilamos na lang siya sa sariling mukha at malakas na bumuga ng hangin.
Damn.
Of all the people he had encountered, ito na yatang ampon niya ang pinakamatigas na puso sa lahat. Ganito na lang lagi tuwing nagtatampo. No matter how hard he tried, she would always push him to his limits, punishing him with her cold silence until he broke down and begged for her forgiveness.
At ang mas malala pa ay alam niyang kapag hindi niya ito sinuyo agad ay mas lalala pa ang pagtatampo nito, dahil kaya siya nitong pakitunguhan ng malamig sa loob ng isang buwan.
“May business trip pala ako next week sa Hawaii. Do you want to come with me?”
Hindi pa rin siya nito sinagot.
Hindi naman niya mapigilan ang magtaka, dahil inaasahan na niyang lilingunin na siya nito at natutuwa sa alok niya. Huling alas na niyang panunuyo ’yon, dahil tuwing may business trip siya sa ibang bansa ay lagi itong nangungulit na isama niya, kaso hindi naman puwede dahil lagi itong may pasok sa school.
“Or kung ayaw mo sa Hawaii, puwede tayong pumunta sa bansa na gusto mo. Kahit isang araw lang ipapasyal kita.”
Napahilot na lang siya sa sariling sentido nang hindi pa rin siya nito sinagot.
“Lorelei.” His voice dropped, cold and commanding.
Unable to hold back any longer, he leaned in to check on her.
But the moment he saw her face, he froze.
Nakatulog na pala ito at malalim na ang paghinga.
“Damn,” he muttered under his breath, closing his eyes in disbelief before letting out a soft chuckle.
Kausap siya nang kausap, kaya naman pala. Tudo suyo na ang ginawa niya pero tinulugan lang pala siya.
“Ikaw talagang pasaway ka,” he sighed, shaking his head as he reached for the handkerchief in his suit pocket. Maingat na lang niyang pinunasan ang bakas ng luha sa pisngi nito bago ito kinumutan.
Sandali pa siyang napatitig sa mukha nito. Hanggang sa napangiti na lang siya at naiiling nang lumabas ng kuwarto.
Nagising naman si Lorelei bandang alas syete na ng gabi. Pero hindi na siya lumabas pa ng kaniyang kuwarto para mag-dinner, dinalhan na lang siya ng katulong ng pagkain sa kuwarto niya.
Paggising niya kinaumagahan ay hindi na niya naabutan pa ang kaniyang Daddy Cassius, bagkus ay si Siege ang nadatnan niyang naghihintay sa kaniya.
“Good morning, sweetheart!”