CHAPTER 3

1638 Words
MAAGA siyang nagising kinabukasan at matapos maligo ay agad na nagbihis ng kaniyang green school uniform. 06:34 AM pa lang ay lumabas na siya ng kaniyang bedroom. Pagbaba niya ay napangisi na lang siya nang makitang wala pa ang kaniyang daddy na madalas niyang madatnan sa living area tuwing umaga, pero ngayon ay mukhang naunahan niya yata ng gising. “Good morning, ma'am. Nakahanda na ang almusal niyo sa dining room,” wika ng isang katulong nang makita siyang nakaupo na sa couch. “Mamaya na lang po, hihintayin ko lang si Daddy.” “Sige po, ma'am.” Naghintay na lang siya ng ilang sandali. Hindi nagtagal ay nakita na nga niya ang pagbaba sa stairs ng kaniyang Daddy Cassius na nakasuot na ng navy blue business suit, at kasalukuyan pa nitong binubutones ang dulo ng sleeve ng suit nito habang pababa. A soft smile graced her lips. “Good morning, Daddy!” masigla na niyang bati rito nang tuluyan na itong nakababa. ”Good morning,” he replied. “Ang aga mo yata gumising ngayong araw.” “Siyempre, Daddy, masipag ang estudyante mo!” she proudly said with a grin as they entered the dining room, where breakfast was already prepared. Gatas ang iniinom niya sa umaga at cereal ang kinakain, habang ang kaniyang daddy naman ay tamang kape lang. Tahimik silang nag-almusal, dahil nga ayaw ng kaniyang daddy nang madaldal kapag kumakain, kaya tumahimik na lang siya. Pero nang matapos mag-breakfast ay yumakap na siya sa isang braso ng kaniyang daddy. “Daddy, ang sabi po ng guidance counselor ay kayo raw po dapat ang pumunta. Bawal na raw po ang secretary lang,” she said as they stepped out of the mansion. “I'm busy, marami akong meetings today,” he replied in his usual calm tone. She frowned. “Dad, please, saglit lang naman po 'yon. Kausapin ko niyo lang kahit 2 minutes, then tapos na. Ang mahalaga ay pumunta ka po.” “I'll send secretary Rome on my behalf—" “Ang kulit niyo naman, Dad!” she complained, stopping abruptly as they reached the garage. “Hindi nga raw po puwede ang secretary lang!” She even stomped her foot in frustration. Cassius's eyes widened at her. “Aba’t— pinagtatasan mo ba ako ng boses?” “Hindi po, Dad,” agad niyang pag-iling nang nakanguso at nag-prayer hands na, pinagsiklop ang mga kamay. “Nakikiusap po ako. Please, Daddy, please? Daddy, please?” Cassius stared at her, watching as she pouted and blinked cutely, like a little girl trying to win his sympathy. Eventually, he let out a soft chuckle. “You’re already all grown up, yet you still act like a little girl,” nakangiti nitong komento at ginulo-gulo pa ang buhok niya. Mas lalo naman siyang ngumuso at humawak na sa kamay nito. “Sige na, Daddy, please?” pangungulit pa rin niya at napapadyak pa ang isang paa na parang bata. “Ikaw na lang kasi ang pumunta. Please, Daddy ko? Please?” Cassius let out a surrendered sigh. “Anong oras ba 'yon?” “Kahit anong oras po puwede basta hindi pa uwian.” “Sige, pupunta ako.” Lorelei's eyes sparkled with excitement, and she gasped. “Talaga, Dad? Promise?” “Hmm.” He nodded. Natawa na siya at napatalon bigla na parang bata. “Thank you, Daddy!” With that, she kissed him on the cheek before rushing to the car that would take her to school. Cassius couldn't help but smile, shaking his head with a quiet, amused sigh. “Such a brat,” he mumbled before getting into his car. DUMATING si Lorelei sa school, pero hindi siya pumasok sa classroom dahil hindi pa puwede hangga't hindi pa nakakausap ng guidance counselor ang parents niya. Kaya tamang tambay lang siya sa loob ng campus, naupo na lang sa may grandstand ng badminton court. Minutes later, natanaw niya mula sa malayo ang dalawang kaibigan ni Samantha na dumating na at kasama na ang Ina ng mga ito. Hindi mapigilan ni Lorelei ang mapasimangot na may halong insecurities. Kung may Mommy lang sana siya, malamang pupunta rin ito para sa kaniya. Kaso wala, at ayaw rin siyang bigyan ng daddy niya kahit hiniling na niya na gusto niya ng mommy. She let out a deep sigh and glanced at her wristwatch. It was already 9:56 AM. Unable to wait any longer, she called her dad, but the phone just kept ringing. He wasn’t answering. Kaya naman nag-text na lang siya. To Dad: Daddy, what time will you be here? The other parents have already arrived. (Smiling Face with Tear emoji). Naghintay na siya ng ilang minuto, pero walang reply. Hanggang sa napasimangot na lang siya at umalis na ng grandstand. “Hi, Lorelei.” May bumati pa sa kaniyang lalaking estudyante nang madaanan niya pero hindi niya pinansin. Didiretso na sana siya sa gate para doon na lang maghintay sa labas. Pero napahinto siya bigla nang makita ang pagpasok ng pamilyar na kotse. “Daddy!” Nagliwanag na ang mukha niya nang makilalang kotse na 'yon ng kaniyang Daddy Cassius. Tumakbo na siya papunta sa parking lot nang nakangiti. Huminto siya pagdating at hinintay ang paglabas ng kaniyang daddy. Ngunit ang kaniyang magandang ngiti ay unti-unting naglaho nang bumukas na ang pinto ng kotse at nakita na niya kung sino ang lalaking lumabas. It wasn’t her daddy — the one she had been desperately waiting for. “Secretary Rome, why are you here? Where’s my daddy?” she asked, her voice filled with disappointment. “Sir is busy. He has back-to-back meetings that he can’t afford to miss,” the secretary replied, dressed in a sleek blue suit, flashing her a polite smile. “Argh! He lied again.” Napasimangot na lang siya at napapadyak sa inis, may pagdadambog nang lumakad papunta sa building. Naiiling na lang sumunod ang secretary. Narating nila ang opisina ng guidance counselor at pumasok na sila sa loob. Naroon na ang dalawa niyang schoolmates na nakaaway niya at kasalukuyan nang kinakausap ng guidance counselor ang mommy ng mga ito. “b***h,” ismid pa sa kaniya ng dalawang estudyante, glaring at her while sitting on the couch with arms crossed, acting like a spoiled brat. “Chaka,” she shot back, rolling her eyes before taking a seat on the opposite couch. Ang secretary ay lumapit na sa guidance counselor na nakaupo sa may table nito. Hindi nagtagal ay muling bumukas ang pinto. Pumasok na si Samantha kasama ang mommy nito na parang galit na galit ang ekspresyon at agad na nilibot ang tingin sa loob ng office pagkapasok. “Siya ba? Siya na naman ba ang nakaaway mo?” tanong nito sa anak pagkakita sa kaniya, nakilala siya agad. “Yes, Mommy, siya nga po ulit.” Doon na nanlaki ang mga mata nito. “It's you again?!” bulalas nito na nanlaki na ang mga mata sa kaniya at pagkalapit ay isang malakas na sampal ang bigla na lang pinalipad papunta sa kaniyang pisngi. Lorelei’s eyes widened in shock as her head snapped to the side. The sound of the slap echoed through the room, making the guidance counselor and the other parents turn in surprise. “Hey, don't hurt her!” Secretary Rome shouted, immediately stepping in front of Lorelei to shield her. Ngunit nanlisik lang ang mga mata ng babae. “And you again? You’re just a secretary, aren’t you? Where are this girl’s parents? Bring them to me!” “How dare you slap her! Makakarating 'to kay Sir!” The woman let out a cold, mocking laugh. “Do you think I’m scared? Bring her mother here, and I’ll slap her too!” Parang maiiyak nang tumayo si Lorelei habang hawak na ang nasampal na pisngi. Nginisian pa siya ni Samantha na parang tuwang-tuwa dahil nasampal siya ng ina nito, ganoon din ang dalawa pang estudyanteng nakaupo, nakangisi na rin ang mga ito sa kaniya na parang nagpipigil ng tawa. “Ikaw, bakit mo palagi na lang binu-bully na lang ang anak ko, ha? Gusto mo bang ma-expelled sa school na ’to at ipakulong kita sa pananakit mo sa anak ko!” nanlalaki ang mga matang wika sa kaniya ng babae at parang gusto pa siyang hablutin kundi lang nakaharang ang secretary. “Isusumbong kita kay Daddy ko, bruha ka! Humanda ka sa kaniya!” sigaw niya lang sagot dito at hindi na ito hinintay pang makasagot dahil mabilis na siyang tumakbo palabas ng office. Her vision blurred with tears as she rushed toward the parking lot. With trembling fingers, she pulled out her phone and dialed her dad’s number. Hindi nagtagal ang pag-ring at sa wakas sinagot naman nito. “Daddy, sinampal ako!” bungad niya agad sumbong na may kasamang paghikbi. “What?” gulat na sagot naman ni Cassius na mula sa loob ng conference room ay agad na napatayo sa kinauupuang swivel chair nang marinig ang kaniyang pag-iyak. “Who dared to slap you?” “’Yong mommy ng classmate ko, Dad! She slapped me so hard! Sobrang sakit po, Daddy!” sagot niya at lumakas na ang pag-iyak. Cassius clenched his jaw and let out a slow, heavy sigh, rubbing his temple to contain his rising anger. “I’m in the middle of a meeting. I’ll be there right after. Stop crying now, sweetie. I’ll make her pay for what she did—” “Stop lying anymore, Dad! Sabi mo ikaw ang pupunta, pero nagsinungaling ka! You lied to me again! I hate you, Daddy! I hate you!” she screamed before ending the call. Naiiyak na siyang sumakay sa loob ng kotse. “Let's go home, Kuya Josh,” she said to the driver, her voice breaking as she sobbed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD