DUMATING ang Monday, excited na excited si Lorelei habang lulan ng sasakyan. Hindi na siya nakasakay sa kotse na palaging naghahatid-sundo sa kaniya, kundi sa kotse na mismo siya ng Daddy Cassius, dahil tulad ng pangako nito sa kaniya ay ito na muna ang maghahatid sa school ngayong araw. “Pangiti-ngiti ka riyan,” puna pa sa kaniya ni Cassius habang nagmamaneho ito suot ang navy blue business suit. “I’m happy lang kasi, Daddy. Ever since I started high school, I think you've only taken me to school twice. Pero binababa mo lang naman ako sa labas ng gate at hindi ka naman pumapasok sa loob ng campus. Hindi ka tuloy kilala ng mga schoolmates ko.” Napabuntonghininga at iling na lang si Cassius na may ngiti. “Alright, alright. When we get there, I'll walk you all the way to your classroom.”