HALOS paliparin na ni Cassius ang kotse sa bilis ng kaniya pagmamaneho. Ang mga ugat sa kaniyang braso ay umiigting dahil sa higpit ng hawak niya sa manibela, pati ugat niya sa sentido ay parang nagsilabasan na. His entire body trembled—not from fear, not from exhaustion—but from the raw, uncontrollable fury surging through his veins. He felt like he was about to explode with rage. “He's a pervert, Daddy! Dapat po ipakulong natin siya,” patuloy pa rin pag-iyak ni Lorelei habang nakaupo sa front seat. Hindi sumagot si Cassius at binilisan lang ang pagmamaneho. Hanggang sa narating na nila ang school at pumasok na ang kotse sa loob ng campus. “Stay here. Huwag kang susunod,” wika ni Cassius bago bumaba na ng kotse. Naiwan mag-isa si Lorelei sa loob ng sasakyan habang umiiyak pa rin.