KINABUKASAN, NANG MAGISING si Melannie, natagpuan niya ang sarili niya sa loob ng kuwarto ni Dashiell. Napakunot-noo siya ng sandaling iyon at inalala ang nangyari kagabi. Nasa yate lang sila, pero bakit nandito agad siya? Naiiling na bumangon si Melannie mula sa pagkakahiga sa kama at lumabas ng kuwarto. Pagkalabas na pagkalabas niya, nasamyo agad ng ilong niya ang mabangong amoy na nanggagaling sa kusina. Pumanog siya sa hagdan at dinako ang kusina. Mula sa loob, nakita niya si Dashiell na abala sa pagluluto ng pagkain. Ngumiti si Melannie kapagkuwan ay nilapitan ito at tiningnan ang niluluto nito—tocino lang pala. “Oh, you're awake. How's your sleep?” malambing na tanong ni Dashiell sa kaniya kapagkuwan ay inalayan siya nito ng isang halik sa ulo niya. “Maayos naman. Nga pala, inuwi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books