MADILIM NA ANG kapaligiran ng sandaling iyon subalit nangingibabaw pa rin sa deck ang halakhakan nina Melannie at Dashiell nang ikuwento nila sa isa't-isa ang mga hindi nila malilimutang pangyayari noong mga bata pa sila. Pareho na rin silang tipsy ng oras na iyon dahil sa wine na nainom nila. “Tandang-tanda ko pa kung paano ako nahulog sa lubluban ng mga baka noon. Nabalot ng putik ang buo kong katawan. Ang masaklap, imbes na tulungan akong makaahon ng mga kaibigan ko, tinawanan pa nila ako…” Muling humalakhak si Dashiell nang marinig iyon kay Melannie. “Your friends must be proud…” “Kinarma rin sila. Aba, para patas, hinila ko rin sila kaya lahat kami naglalangoy na sa putikan.” At doon ay halos hindi na maipinta ang kasiyahan ni Dashiell ng oras na iyon. Wala siyang ideya kung bakit