"WHERE HAVE YOU been?" Ang galit na tono agad ni Dashiell ang bumungad kay Melannie nang makapasok siya sa opisina nito. Nakasandal ito sa lamesa habang magkakrus ang mga braso sa harap ng dibdib. Matalim din ang tingin sa kaniya nito. Mukhang kanina pang nasa posisyong iyon si Dashiell kaya hindi niya mapigilan ang kabahan. "Hindi ba sinabi sa iyo ni Noah?" Pagdaka'y lumapit si Melannie sa nobyo. "Maghapon kayo sa mall? He called me at exactly 10 A.M, sinabi niya na nasa mall nga kayo—sa fun house to be exact. But have you checked the clock now? It's 4 P.M," seryosong anas ni Dashiell habang hindi nawawala ang talim ng tingin nito sa kaniya. "Pasensya na, nawili lang ako." Bumusangot si Melannie sapagkat may maganda pa naman siyang balita kay Dashiell. "Naglaro kasi kami nang naglaro