"GOOD MORNING, MISS Gonzales. How are you doing?" Napapitlag agad si Melannie nang marinig ang boses na iyon. Nag-angat siya ng mukha sa pintuan at mula roon ay nakatayo ang isang guwapong lalaki. Malapad ang ngiti nito sa mga labi ng sandaling iyon habang nakatingin sa kaniya. Nginitian pabalik ni Melannie ang lalaki at ibinalik ang hawak niya sa kinalalagyan noon bago umakto na animo'y hindi niya nagawa iyon—ang magkalkal ng mga personal na gamit ni Dashiell. "Sino ka? Bakit mo ako kilala?" Kunot-noo ni Melannie. Lumapit ang lalaki sa kaniya na hindi pa rin naaalis sa guwapo nitong mukha ang malapad na ngiti. Mas lalo itong gumuwapo dahil sa dimple nito sa magkabilang pisngi. "I am Noah, and I will be your butler." "Butler? Ano iyon?" "Sa madaling salita, babantayan kita kahit saa