"MABUTI NAMAN PO at nasa maayos nang kalagayan si Ma'am Clara." "Puwede na rin siyang ma-discharge bukas. I'm sorry, Melannie, but I couldn't go back there. I need to take care of my daughter." "Hindi niyo po kailangang mag-alala. Ako na po muna ang bahala rito. Tulog na nga po si Dashiell." Nakatayo si Melannie sa harap ng bintana habang nakatitig kay Dashiell na mahimbing na natutulog sa kama. Madaling-araw na ngayon pero naalimpungatan siya at imbes na bumalik sa pagkakatulog, mas pinili na lang niyang tawagan ang lola ni Dashiell upang alamin ang kalagayan ng mommy nito. At salamat naman sa Diyos dahil maayos na ito. "That's good to know. Melannie, please, take care of my grandson. May kundisyon niya ngayon, at kung maaari ay intindihin mo na lang siya. Kailangan niya ng suporta."