TAHIMIK NA PINAGMAMASDAN ni Melannie si Dashiell kasama ang dalawang babae sa swimming pool area. Nag-uusap ang mga ito at hindi niya mapigilan ang mapaisip kung bakit ganoon ang mukha ng lalaki ng sandaling iyon dahil halos hindi nawala ang gulat sa mukha nito. Bakit kaya? Nahihiwagaan siya. Gusto niyang lumapit upang mapakinggan ang pinag-uusapan nila subalit wala siyang lakas. "What are you doing there, Melannie?" Halos kumawala ang puso ni Melannie sa kaniyang dibdib nang biglang magsalita ang lola ni Dashiell sa kaniyang likuran. Sapo-sapo ang dibdib, humarap siya sa matanda. "May tanong lang po sana ako…" "Ano iyon? Tell me." Tumango siya at sandaling binalingan ang kinaroroonan ng tatlo bago ibinalik ang atensyon sa matanda. "Sino po iyong dalawang babaeng kausap ni Dashiell?