"I DIDN'T KILL your son," giit ni Dashiell kay Grace. Paulit-ulit nitong sinabi sa kaniya na pinatay niya ang anak nito. Nakaalis na sila sa ospital at ngayong nakabalik na silang dalawa sa bahay niya, iyon at iyon pa rin ang sinasabi nito. Naintindihan naman ni Dashiell ang kalagayan ng nobya niya sapagkat nakakaranas ito ngayon ng postpartum depression dahil nawala ang anak nito—no, anak nila! Kung hindi pa ito naaksidente, hindi niya pa malalaman na buntis pala ang nobya niya. Wala siyang kamalay-malay na nagbunga na ang pag-iisa nila. Unfortunately, imbes na sabihin iyon sa kaniya ni Grace, mas pinili nitong itago iyon sa kaniya. At nauto pa nito ang doktor sa ospital. Nasasaktan din si Dashiell sa nangyari dahil bago niya pa malaman na buntis si Grace, naagasan ito. Grace had misc