UMAGA NA NANG magising si Melannie mula sa malalim na pagkakatulog. Nakakadena pa rin ang binti niya sa paa ng kama. Bumuntong-hininga siya kapagkuwan at bumangon, at muling sinubukang tanggalin ang kadena sa binti niya kahit imposible. Pero kahit anong gawin niya, wala pa ring nangyayari. Kagabi pa pinanghihinaan ng loob si Melannie. Ni hindi niya rin maramdaman ang presensya ni Dashiell simula kagabi. Nasaan na kaya ang lalaking iyon? Muli na naman siyang napabuntong-hininga saka walang buhay na sumandal sa kama. Mayamaya pa ay bigla na lang bumukas ang pinto ng Red Room at ibinungad noon ang lalaking kagabi niya pang hinahanap. Hindi maayos ang kundisyon nito ngayon. Sabog ang buhok nito at halata sa mukha nito na hindi ito natulog dahil halatang-halata ang mga eyebag sa ilalim ng mga