NAGING MAGAAN ANG pag-uusap nina Melannie at Ivan. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maproseso ng utak ni Melannie kung bakit biglang nagka-ayos ang dalawa gayong may hindi kaaya-ayang nakaraan ang mga ito. Magka-away sila, pero tila bigla silang naging maayos. Masayang nag-iinom ang mga ito, at sinabayan nila iyon ng kuwentuhan at tawanan. Nakilala nang lubusan ni Melannie si Ivan. Katulad ni Dashiell, mayaman din ito. Sa katunayan, napag-alam niya mula sa lalaki na isa itong COO ng isang kilalang shipping lines dito sa Pilipinas. Mabait si Ivan, hindi nakikitaan ni Melannie na kayang gawin nitong lokohin si Dashiell. Pero baka nagbago lang ito, at aminado naman siya na kakakilala lang niya rito kaya marahil ay marami pa siyang hindi alam tungkol kay Ivan. Marahas na nagpakawala n