"MADAME CONSTANCE? K-KUMUSTA na po kayo?" masayang bungad ni Melannie sa matanda nang pagbuksan niya ito ng gate. "I am fine, hija. Ikaw, kumusta ka na? Matagal din tayong hindi nagkita, for sure maraming nangyari, right?" "Maayos lang po ako, Madame Constance," magalang na tugon ni Melannie rito habang naglalakad sila patungo sa bahay ng apo nito. Pansin ng matanda ang kalungkutan sa mga mata ni Melannie. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang babae. "You look like not okay, Melannie." Napabuntong-hininga si Melannie. Gustuhin man niyang aminin ang katotohanan, ngunit natatakot siya dahil baka kung ano ang gawin sa kaniya ni Dashiell kapag ipinaalam niya sa mismong lola nito ang mga bagay na ginagawa nito sa kaniya. Mas pipiliin na lang niyang manihik at magsawalang-kibo kaysa sabi