NAKATANAW SI MELANNIE sa labas habang sapo ang kaniyang tiyan. Kasalukuyan siyang nasa rooftop at nagpapahangin. Ilang araw na rin ang lumipas nang malaman niyang buntis siya. Ilang araw na rin siyang walang imik dahil natatakot siya at baka dumulas ang dila niya at masabi kay Dashiell ang katotohanan. Hindi pa handa si Melannie. Pinag-iisipan niyang mabuti ang magiging desisyon niya—kung sasabihin niya ba kay Dashiell ang katotohanan o hindi. Nag-aalangan siya ngayon dahil sa ugaling mayroon si Dashiell. Nagtungo siya rito sa tuktok ng bahay ni Dashiell para magpahangin, pero hindi naman niya inakala na kahit dito ay malalim pa rin ang iniisip niya. Stress na stress na siya. Binilinan pa man din siya ng doktor na huwag magpapaka-stress para sa batang nasa sinapupunan niya. Marahas