"DASH—" Hindi pa man natatapos si Melannie sa pagsasalita nang biglang tumama ang likod ng palad ni Dashiell sa kaniyang kaliwang pisngi. Bahagya siyang napaatras kapagkuwan ay sinapo ang pisnging sinampal nito. Masakit iyon at kung titingnan ni Melannie ang sarili sa salamin, hindi na siya magugulat kapag nakita niyang pulang-pula iyon. "Huwag mong sasaktan si Melannie!" hiyaw ni Eric. Nang akmang tatayo na ito mula sa pagkakahandusay sa sahig, nilapitan ito ni Dashiell, at walang pagdadalawang isip na inapakan si Eric sa dibdib nito. "Tama na, Dash—" "Shut up, Grace! I don't wanna hear any words from your fïlthy mouth if you don't want me to hurt you again!" nagbabantang bulalas ni Dashiell saka mas diniinan nito ang pagkakaapak sa dibdib ni Eric na ikinadaing naman nito. Napaluha