"WHERE'S MY SON?" humahangos na tanong ni Clara nang makapasok ito sa loob ng bahay ng anak. "Umalis po siya," tugon ni Melannie. "H-Hindi ko po alam kung saan siya pumunta." "What happened to him, Melannie? Nasaktan ba siya? Tell me, Melannie. Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari sa anak ko!" puno nang pag-aalalang tanong nito habang unti-unting namamasa ang mga mata. "Hindi po maayos si Dashiell ngayon." At tuluyan nang bumagsak ang luhang kanina pang pinipigilan ni Melannie. "Wala na po si Ace. P-Patay na siya. P-Pinatay po siya." "What? Ace was killed? How about my son? Nasaktan ba siya?" "Hindi po siya nasaktan. Pero ang puso niya, puno ng pighati at galit. Sobra siyang naapektuhan sa nangyari kay Ace. Halos hindi na siya tumigil sa pag-iyak dahil hindi niya matanggap na wala