Kumukulo na ang tiyan ko. Kasalanan ko naman dahil hindi na ako nananghalian. Hindi kasi talaga ako mapapalagay. Pakiramdam ko ay para akong mag-te-take ng board exam. Sino ba siya para makaramdam ako ng pangangamba? Napailing na lamang ako saka pilit na burahin sa aking isipan ang lahat ng mga pag-aalinlangan na naiisip ko. Mag-a-alas-tres na ng hapon. It has been nine hours since I talked to Norman, and two hours of waiting here, outside the building where the studio belonged. Habang nagmamasid sa paligid, kontento na rin naman ako, at medyo na nalilibang na rin habang pinagmamasdan ang mga kotseng dumadaan, daloy ng trapiko, mga taong naglalakad sa daan, mga maliliit na tyangge na nagbebenta ng mga kung ano-ano, at marami pang iba. Walang espesyal. Tanging buhay taga-syudad lamang. Si