RAVEN SABRINA VALLAJE “Iba talaga kapag may gwapo at mayaman kang kaibigan, ano?” pang-aasar na wika ni Hanji habang nilibot ang buong condo unit na binili lang naman ni Norman. Ma-ilang beses niya na iyang binanggit, simula pa noong una kaming matulog dito. Dalawang linggo na ang nakalipas magmula noong nakaraang pagkikita namin ni Norman. Matapos niya akong inihatid sa dorm noong huling araw na nakakasama ko siya, hindi na kami nagkita pa ulit. Bigla na lamang daw siyang nakatanggap ng hindi inaasahang balita, at kailangan niyang umuwi kaagad. Ang sinabi niyang natitirang sampung-araw pa niyang pananatili ay hindi na natuloy at mas lalo pang napaaga. Ngunit bago siya umalis, bumalik siya sa paaralan namin at nagkita ulit kami matapos ang aming klase. Dala ang isang susi, sinabi niyan