KINABUKASAN, nakaupo lamang ako habang naghihintay na matawag ang pangalan ko, sa entablado. Napatingin ako sa labas. Na sa around five pa lamang ng hapon pero mukha nang alas-sais ng gabi. Makulimlim parin at medyo maulan. Ayon pa sa balita ay may paparating na bagyo—ang Typhoon Bezzu o Bagyong Arima. Mukhang ma-ilang oras o mamayang gabi ay magsisimula na ang unos. Iyung sinasabing low pressure nitong nakaraang mga araw ay magiging bagyo pala. Ibang klaseng summer season ata itong nangyayari ngayon—binabagyo. Bakit pa nila itutuloy itong program kung alam naman nilang may bagyong paparating? Kakasimula pa lamang ng program pero mukhang pauwi na ako. Kahit anong gawin kong magpakapositibo sa araw na ito ay hindi ko magawa. Hindi ko alam kung paano. Mukhang nakalimutan ko na yatang ngu