RAVEN SABRINA VALLAJE “Isa, dalawa, tatlo . . . nasaan iyung pulang box? Ah, narito. Lima.” Napabuntonghinga na lamang ako, saka padabog na bumagsak sa couch matapos masigurong kompleto na ang mga gamit ko. Tatlong araw na simula noong nag-end ang klase. Kasalukuyan na naming inilikas dito ang mga natitira ko pang mga gamit doon mismo sa dorm ko. Nailikas na kase namin noon ang mga gamit ko na naroon sa dating dorm nina Clarice. Sa sobrang dami kasi ng mga gawain sa school, wala akong choice kung hindi ang hintayin ang pag-end ng klase para mapaglaanan ng oras ang paglikas ng mga gamit ko na nasa aking dorm. Bukas na ang graduation day ng school year na ito. Kaya ang lahat ay talagang abala sa paghahanda. Since wala naman akong aasahang dadalo sa pag-mo-moving up ko, hindi na ako nag-