DALAWANG LINGGO na ang lumipas matapos ang kasong naganap. Mas mabilis pa sa alas-kuwatro ang mga nagdaang araw. Ngayon ay kailangan nang bumalik ni Norman sa Amerika dahil hindi siya puwedeng lumagpas ng isang buwan sa pananatili niya rito sa Pilipinas. Ani pa niya, daig pa raw ang kaguluhan sa lababo kung ikumpara sa mga patong-patong na gawaing naiwan niya roon. Marami pa siyang kailangang gawin, ayusin, at iba pa—siguro nga ay ang totoong pagkatao niya ay naiwan doon. Hindi lang daw kasi tungkol sa AI ang trinatrabaho niya. Nabanggit niyang halos kalahati ng companya nila ay responsibilidad niya na rin. Kind of pressure on his side. Hindi naman siya anak o ka-ano-ano ng may-ari. At kagaya ng napagkasunduan na namin noon, sasama ako kay Norman sa kaniyang pag-alis. Hindi ko pa alam ku