RAVEN SABRINA VALLAJE Hindi ako mapakali habang naka-upo. Iyung tipong kahit na hindi naman ako ang nakikipagbangayan, ako ang labis na kinakabahan sa alitan ng dalawang panig. Panay sa pagsasalita ang abogado ni O'Brien, at halos bumabagsak na ang buong sistema ko sa mga pinagsasabi niya—nila. Ani pa ng kaniyang abogado, inaakit ko raw ang aking guro upang magkaroon ako ng matataas na marka, para hindi ako mawala sa listahan ng mga scholars. Giit pa niyang ako mismo ang namimilit sa aking guro na m************k sa kaniya—bagay na gusto ko na lamang na sumuka sa sobrang kalaswaan at tindi ng kanilang mga kasinungalingan at paratang sa akin. Nais ko mang tumayo at magreklamo, dahil sobra-sobra na ang mga pinagsasabi nila, ngunit hindi ko iyun magawa. Kailangan ko munang manahimik at hin