SIX DAYS HAVE PASSED, and tonight was our last night in Boracay. I was walking along the shore silently with Raven. With the cold breeze that embraces our delicate skin, I shiver. Kakatapos lang naming maghapunan at mag-usap-usap. Napagkasunduan naming sulitin na ang huling gabi ng aming bakasyon dito. Nilapitan ko si Raven at tiningnan nang maayos. Tila malalalim ang iniisip at mukhang nakikipagbangayan sa kaniyang sarili. “Are you okay?” I asked her. Bahagya niya lang akong nginitian at tinangoan. “Iniisip ko lang kung ano na ang susunod na mangyayari kung magkakahiwa-hiwalay na kaming tatlo nina Clarice at Hanji. Alam mo namang noong pansamantala mo akong iniwan, wala akong naging kaibigan hanggang sa nakilala ko sila. Noong sinabi nilang lilipat na sila ng paaralan, ano na kaya ang