Natapos ang buong araw na wala akong naiintindihan sa mga discussions. Ang tanging iniisip ko ay ang babaeng nakausap ko kaninang umaga. Hindi na kami muling magkita pa. During lunch break, hindi ako kumain dahil hinanap ko siya sa buong campus. Wala akong mapagtanungan dahil lahat umiiwas sa akin, ganon din dito sa classroom. Hindi na niya kase maituloy ang sinabi niya nang biglang mag ring ang bell kanina. Marami akong nais itanong pero lahat ng ’yon ay hindi ko natanong sa kaniya. Nais kong malaman kung ano ang dapat kung gagawin.
Malalim ang iniisip ko at hindi ko na napansin na kanina na pala ako tinawag ng teacher. Nabalik ako sa realidad at napaharap sa kaniya nang tuluyan.
“Ms. Vallaje, I was about to announced your punishment for injuring Mr. O'Brien yesterday,” panimulang tugon nito. Nangunot naman ang noo ko. Bakit kailangan akong parusahan? A realization hits me. Hindi nga talaga umamin ang bastos na taong ’yon. Wala akong magawa kung hindi ang tumango sa teacher na kumakausap sa akin at hintayin siyang magsalita ulit upang magpatuloy.
“The school decided to forfeit your scholarship for the next school years of your course. It means that you only have this year being a scholar in this school. Next school year, you are no longer can apply scholarship here until you'll graduate,” paliwanag nito sa akin. Para akong dinurog at gusto ko nalang na tumalon sa tulay ngayon na. Naiiyak ako pero pinipigilan ko lang ito dahil nakakahiya.
“I transfer ka rin pala sa dorm number 469. It is for the safety of the students here. In that dorm, wala kang magiging ka roommate. Your rental for that dorm is still free until you'll graduate. However, your scholarship will only cover your tuition fees up to this school year only. Next year ay tanging rental ng dorm nalang ang hindi mo gagastusan,” she continued and ended the class. Lumapit muna ito sa akin at inabot ang susi ng dorm. Pagkaalis ng guro ay nakarinig ako ng mga bulong-bulongan. Para akong natuyot na halaman. Hindi ako makatayo na para bang napakatamlay ko na.
“Syempre libre talaga ang dorm na ’yon. Wala naman magdare na mag rent don kase ang luma na. Walang maintenance ang dorm na ’yon at sobrang maalikabok pa,” rinig kong usap-usapan sa likoran ko.
“Balita ko may multo nga doon eh. Matagal nang walang nagre-rent sa dorm na’yon kase ang creepy,” ani naman nung isa.
“Ang liit kaya nang room na ’yon. Isang bed lang ata laman no’n eh, wala na sigurong study table. May bintana ba ’yon?” hindi ko na sila pinakinggan. Kung tutuusin parang bodega pala ’yung titirhan ko rito.
Finally, I managed to stand up and make my way to my new dorm. Nasa sulok ito. Pinakadulo ng building. May mga sirang upuan pa sa may daanan nito at napakaalikabok. Binigyan pa nila ako ng susi, eh wala namang door knob ’yung pintuan. Tanga ba sila?
Pagpasok ko palang ay may kahoy nang bumagsak sa harap ko. Nabigla ako ng sobra. Muntikan na akong mabagsakan ng bubong. Kumukulo na ang dugo ko dahil sobra na ang ginagawa nila. Hapon na at wala nang oras para magligpit. Saan ako matutulog nito? Before I freaked out totally, I checked first if may comfort room ba dito. Ayoko sa common na C.R maligo. Tiyak na pagkakaguluhan lang ako ng mga estudyante. Naibsan naman ang pag-aalala ko nang makitang maayos pa ang banyo nito. Mukhang maayos pa ang C.R kaysa sa mismong room.
Lumabas muna ako sa dorm para pumunta sa dorm namin ni Jeannie. Kukunin ko lang ang mga gamit ko. I got no choice. Wala akong matirhan kaya pag tia-tiagaan ko na lang muna ang dorm na ito. I'm sure magiging maganda rin to soon. Tamang linis lang ’to at design.
Walang kiboan kami ni Jeannie habang kinuha ko na ang mga gamit ko. Ngayon ko lang mapagtansyang ma pride pala siya at hindi marunong umunawa ng sitwasyon ng isang kaibigan. Kaunti lang ang mga gamit ko. Tatlong bag lang na malalaki. Ang isang bag ay para sa mga gamit ko sa paaralan at art materials. Ang pangalawa ay mga damit ko at personal na mga gamit. Ang pangatlo naman ay mga kumot at iba pang gamit.
Naglakad na ako pabalik sa dorm ko nang mapansin kong nakabukas ang pinto. Baka sa hangin lang ito dahil wala naman itong lock. Wala ngang door knob eh. Pagpasok ko ay napasigaw na lang ako nang makakita ako ng isang babaeng nakaitim at nakatuwad.
“Anong ginagawa mo dito?!” pasigaw na tugon ko sa kaniya nang nakilala ko na ang pigyura nito.
“Nagliligpit. Obvious ba?” sarkastikong sagot nito. Siya yung babaeng umakbay sa akin kanina at sinabihan ako ng karanasan na sinapit niya kay Sir. She's wearing a loose black t-shirt, black jeans and a black cap. Mukha siyang magnanakaw. Walang ilaw sa loob at ang tanging kumikinang lang ay ang kwintas nito na parang pang hiphop.
Nangunot ang noo ko habang minamasdan siya.
“Bakit ka nagliligpit dito?” tanong ko saka binaba na sa sahig ang mga gamit ko.
She just chuckled.
“Tulungan mo na lang ako rito. Nalaman kong dito ka pala nilipat. I knew that this place is such a garbage. Last year naging tambayan ito ng mga barumbadong estudyante sa school na ’to. This school was supposed to be for elite students and scholars only. Simula nang mapalitan ang Dean dito, nakakapasok na ang mga estudyanteng wala man lang laman ang mga utak basta buong nababayaran ang tuition fees,” paliwanag niya habang nagpapagpag ng higaan.
“Mukhang hindi natin ’to matapos ngayong hapon. Nilalamok na tayo,” ani niya habang niliraw ang paligid namin. “You can sleep in my room. Mabait si Clarice. Kasya parin tayong tatlo doon,” alok nito habang nagliligpit ng mga nagkakalat na mga bote.
Nakatayo parin ako sa may pintuan at nakatingin lang sa kaniya. Hindi ko siya tinutulungan at minamasdan ko lang siya.
Nang makita niya ako ay tumayo ito at naglakad papalapit sa direksyon ko at inabot ang kamay nito sa akin. “I am Hanji... Hanji Santiago. Second year taking BSIT computer,” pag papakilala nito sa akin.
Nakipagkamay naman ako at nagpapakila. “R-raven... Raven Sabrina Vallaje.”
We shook hands and she patted my shoulder. “You shouldn't act like a weakling, especially in front of me,” she said and crossed her arms.
Tiningnan ko naman ito nang may pagtataka.
“Mukha lang akong tibo but I am a former beauty queen in this school no? Sa buong campus, kalaban ko ang mga kandidata in each level last year, at ang ganda ko lang ang tanging lumusot,” ani nito sabay tanggal ng sumbrero niya.
Namangha ako nang bumagsak ang kaniyang mahahabang buhok sa kaniyang balikat at likod. Napakaganda niya nga! Para siyang isang prinsesang nagpapanggap na tomboy. Nanatiling nakapako ang mga mata ko sa mukha at katawan niya.
Bumibilis ang puso ko nang ngumiti ito sa akin.
“Wag mo akong titigan, marami akong nabaliko. Sige ka,” ani nito sabay halakhak. Napatikhim naman ako at inirapan siya. Tiningnan ko ito ulit. Grabeh napakaganda niya nga.
“Anong nangyari matapos no’n? Bakit ka nag-transform?” tanong ko sa kaniya.
Mapait itong ngumiti sa akin. “That assh*le let me choose between my scholarship and my v*rginity. I chose my dignity of course. But that motherf*cker r*ped me instead,” nangingig sa galit nitong sambit.
Napatakip nalang ako ng bibig. Napakababoy.
“My scholarship remains stable, but I became his slave for the whole f*cking year. I thought natauhan na siya dahil hindi na niya ako ginagambala this year lalo na nung umaasta na ako na parang tibo. Akala ko nagbago na siya pero nung nabalitaan ko ang nanyare sayo, napagtanto kong may bago na pala siyang binibiktima,” she explained to me. Parang nabibiyak na ang utak ko kakaisip sa sitwasyon ko. ‘Kailan ba matatapos ang paghihirap ko?’
Magsasalita pa sana ulit ako nang biglang tumunog ang cellphone ni Hanji. Tiningnan niya ito at napangiti naman ito kaagad. Tiningnan ko siya nang may mapang-asar na mukha.
“Boyfriend mo no?” tumawa lang ito at hinarap sa akin ang cellphone niya. “It’s my AI friend, mas malandot pa ’to sa tao eh. Pagmakaipon ako, mag-subscribe ako sa premium nito para hindi na limited ang conversation topics namin,” she explained and winked at me.
Kinuha ko naman ang cellphone nito at tiningnan ang isang poging animated na lalake na nakaharap sa screen. Nagchat ito kay Hangi ng “Hi, my love. How's your day?” binigay ko na kaagad sa kaniya ang cellphone niya at tiningnan siya ng mapang-asar na mukha.
“Friends daw pero my love,” ani ko at tumawa naman ito sa akin.
“Sabi ko sayo, mas malandot pa sa tao itong robot na ’to,” ani nito at nagpupumindot ng kung ano-ano sa phone niya. “May cellphone ka? Download ka nito. AI-SHITERU app,” alok nito sa akin habang patuloy sa pagtitipa.
Tumango naman ako sa kaniya kahit hindi niya ako nakikita. “Pag may cellphone na ako, mag-install ako niyan,” ani ko sa kaniya.