“Grabe! Sana nilakasan mo pa iyung paghanpas mo, girl!” bungad ni Clarice, roommate at ka-batch ni Hanji.
“Medyo malakas na nga iyon eh,” nahihiyang tugon ko.
Kasalukuyan akong naki-share muna ng dorm kila Hanji at Clarice. Mababait sila, at napakaingay. Nakakatawang kasama si Clarice, at mukhang napapalapit kaagad ang loob ko sa kanila.
Habang kumakain nang hapunan, panay kwento lang silang dalawa, at ako naman ay tanging taga-pakinig lamang. Kinukwento rin nila kung paano sila naging magkaibigan, at napagkaalaman kong classmates na sila since high school.
“Ayon na nga. Dapat talaga mawala na ang hayop na Eric na iyon, dito sa school na ito. Hindi mo man lang naabutan ang masaklap na karanasan ni Hanji noong first year pa lamang kami. Grabe iyon. Iyak siya nang iyak, gabi-gabi. Tapos, hindi na kumakain,” patuloy na pagkwento ni Clarice.
“Ano ang ginawa niyo? Bakit hindi kayo nagsumbong?” tanong ko sa kanila.
“Mahirap lang ang pamilya ko. I cannot afford to transfer to another school. Ayaw ko ring malaman nila, dahil sobra na ang mga problema na kinakaharap nila sa araw-araw,” malungkot na tugon ni Hanji. “Pinakiusapan ko ring h’wag muna mag-ingay si Clarice, at ako na ang bahala pagdating ng panahon,” dugtong nito. Tumango naman ako saka nilingon si Clarice na sumasangayon sa sinabi ni Hanji.
“Ikaw, Clarice? Hindi ka ba naging biktima?” tanong ko kay Clarice na umiiling.
“Hindi naman ako scholar student, at lalong ayaw ng Eric na iyon sa mga babaeng kagaya ko na ganda lang ang ambag sa lipunan,” mataray niyang sagot na ikinagulo naman ng utak ko.
“What I mean is . . . I am not a scholar student. Wala naman siyang ganoong pagnanasa sa mga non-scholar students. Isipin mo na lang na kung rape-in niya ang mga estudyanteng nagbabayad nang maayos sa tuition, ay magsisialisan dahil binabastos niya ang mga ito. So, dito siya mambabastos sa mga scholars. Para kung mag-back out ang mga scholars, iyung scholarship na binigay ng gobyerno na fixed para sa mga scholars, ay mapapasakanila ang funds,” mahabang paliwanag ni Clarice. Patango-tango lang ako, pero sa kaloob-looban, nagsisisi ako kung bakit binuhay ko pa si Sir O'Brien.
“Ikaw, bakit hindi ka nagsusumbong?” balik na tanong sa akin ni Hanji.
“Parehas lang sa ’yo. Saka, wala narin naman akong ibang mapuntahan. Wala namang paki sa akin ang pamilya ko sa probinsya, at tanging itong pag-aaral ko na lang ang pag-asa ko. Wala akong pera para mag-aral sa ibang university,” paliwanag ko sa kanila.
Tinapik lang ako ni Clarice, saka sinabihang magiging okay rin ang lahat. “Magiging okay rin ang lahat. Basta magdoble ingat ka na sa susunod,” wika ni Clarice.
Ito pa lamang ang unang pagkakataong makilala, at makausap ko sila nang maayos. Ang akala ko ay kakampi ng walang hiyang gurong iyon ang lahat na mga estudyante rito. Napapaisip tuloy ako na baka may katulad pa nila na parehas ang iniisip, at nakakaalam, o nakakahalata man lang sa mga kilos ni Sir O'Brien. Iniisip ko na baka hindi lang ako ang binibiktima niya dahil hindi lang naman ako ang freshman na scholar dito sa school.
Nabalik naman ang atensyon ko sa kanila nang magsalita si Hanji. “You can join us. Let's protect each other,” alok ni niya sa akin. Ngumiti naman nang malapad si Clarice at sumang-ayon kay Hanji.
Kaagad akong nagpasalamat sa kanila. Sa wakas, ay magkakaroon na rin ako nang mapagkatiwalaang kaibigan dito sa paaralang ito. Hindi ko maiwasang maging emosyonal. Simula pa noong bata ako, ay walang umalok sa akin na sumama sa kanila, o makipagkaibigan sa akin. Pero ngayon, sila na mismo ang lumapit sa akin.
“Opo, sasama ako sa inyo. Pangako, mapapagkatiwalaan niyo ako. Maraming salamat sa pagtanggap ninyo sa akin,” medyo naiiyak kong sabi.
Tumawa naman sila sa akin saka tinapik, at bahagyang kinurot ang pisngi ko. “Ganiyan nga, gumalang ka sa amin, sapagkat kami ay mas nakakatamda sa iyo,” wika ni Hanji na umaastang parang pinuno, na may kakaibang tono ang boses. Kaagad naman siyang binatukan ni Clarice, at nginitian ako nang malapad.
“By the way, mahilig ka ba sa mga g’wapo?” nakakaintrigang tanong ni Clarice na kaagad namang binatukan pabalik ni Hanji.
“Tuturuan mo pa nang kalandian iyung bata!” galit na saad ni Hanji sa mangiyak-ngiyak na si Clarice.
Natawa lang akong pinagmasdan sila, bago ko sinagot si Clarice. “Hindi eh. Wala rin akong jowa,” mahinang tugon ko.
“Aba! Dapat lang! Aanhin mo iyong jowa, eh hindi naman magtatagal, iiwan ka rin niyan,” mataray niyang sagot.
“Mahilig ka lang talagang makipaglandian, pero takot sa commitment,” pang-iinis ni Hanji.
Tiningnan naman siya nang masama ni Clarice bago magsalita. “At least, hindi nababaliw sa robot!”
“H’wag mong idamay ang AI ko rito, huh? At least hindi mawawasak ang puso ko rito, di kagaya mo!” galit na sambit ni Hanji at nagsabunotan na ang dalawa. Tinawanan ko na lamang sila saka napailing.
Kinaumagahan, pagpasok ko pa lamang sa room ay kaniya-kaniya na ang mga masasamang tinginan ng mga estudyante sa akin. Kaniya-kaniya ang mga bulongan, at pandidiri sa akin.
Magkahiwalay na kami ng landas nila Clarice at Hanji, dahil sa ibang building sila. Medyo maaga pa, kaya wala pang guro ang pumasok sa aming room.
“Hello, Raven. May sasabihin sana ako,” wika ng isang lalakeng kaklase ko.
Tiningnan ko lang siya at bahagyang tumango. Ngumisi naman ito bago magsalita. “Roses are red, violets are blue. Prof O'Brien is coming, humanda na you,”
Nagtatawanan naman silang lahat sa sinabi ng panget kong kaklase na ang corny naman kung magbibiro. Ngunit kung totoo ngang pabalik na si Sir O'Brien, iyon ang rason kung bakit nagsisimula na akong kabahan.
Napabalikwas naman ako sa aking pagkakaupo nang tumayo ang aking mga kaklase upang batiin ang gurong pumasok sa room namin.
“Good morning, class. I am Ruth Isabella Bejer. I will be your new class adviser since sir O'Brien was being assigned to architecture class—night,” pagpapaalala niya.
Nilingon ko naman ang mga kaklase ko nang mapagtantong nakatingin silang lahat sa akin at nginitian ako nang mapang-asar. Napabuntong hinga na lamang ako bago umupo nang pagkakaayos. Mixed emotions naman ang nararamdaman ko ngayon. Una, medyo nakahinga nang maayos dahil sa wakas ay hindi na si Sir O'Brien ang magiging main professor namin. Pangalawa, ay kinakabahan dahil nakakalabas na pala siya sa ospital, at balik trabaho na, kahit sa night session.
Mukhang bata pa ang professor na pumalit kay Sir O'Brien. Mabait si Ms. Ruth, at maganda ang paraan ng pagturo. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil medyo nakakapag-focus rin ako sa pakikinig sa mga leksyon. Paparating na rin ang aming exam sa susunod na linggo kaya medyo kabado na rin ako. Although mga basics pa lamang ang leksyon, at hindi pa pumapasok ang major subjects, ay kailangan ko paring mag-aral nang mabuti.
Sana nga lang ay hindi na maulit iyong nangyari.
Matapos ang klase, ay dumiretso na ako kaagad sa dorm para magbihis, st dumiretso na sa mga nagpapa-tutor sa akin. Mga dalawang araw ko na silang hindi nabibisita kaya nag-aalala na rin ako. Mabuti na lamang ay tinatanggap pa ako nang pamilya nila, at pinagpatuloy parin ang aming tutorial.
Pagkatapos kong turuan ang panghuli kong estudyante, ay doon narin ako pinaghapunan ng mama niya, which is I am very grateful for.
It was already past seven in the evening when I decided to go home when I saw Clarice and Hanji waiting for me at the gate.
“Sa susunod, h’wag kang maglalakad nang mag-isa. Lalo na’t hindi ka pa masiyadong pamilyar dito sa siyudad,” seryosong saad ni Hanji. Agad naman akong humingi ng paumanhin.
“Uuwi ka na? Saka na tayo umuwi. Gagala muna tayo!” masiglang alok ni Clarice.
“P-pero may exam na sa next week hindi ba?” pagtutol ko.
“Ano ka ba. Simula bukas, hindi na tayo mag-aksaya ng oras. Mag-study na talaga tayo. Dali na,” wika ni Hanji saka ako dinala sa kung saan.
Pumasok kami sa mall, at naningin ng mga kung ano-ano. Para naman akong nakawala sa kulongan habang manghang-mangha sa loob ng mall. Napakadalang ko lang makapunta sa mga ganitong klaseng lugar kaya nakaka-ignorante din nang kaunti.
“Raven, diba wala ka pang cellphone? Wala ka bang planong bumili?” ani ni Hanji. Nilingon ko naman siya saka mag-isip-isip.
“Kaunti pa lang ang ipon ko, eh. Siguro mga next week na lang ako bibili. Iyan din naman talaga ang gusto kong bilhin kaya pinag-iponan ko,” pagtatanggi ko muna.
“Ano ka ba? You're in college, so you'll need a cellphone. Makakatulong iyan sa pag-aaral mo, like sa pag-s-search mo, matatawagan at makakatawag ka kaagad kung may emergency. Kailangan mo ang cellphone. Magkaano ba iyang naipon mo?” wika ni Clarice. Nakumbinsi naman ako sa sinabi niya dahil sa totoo lang, medyo nahihirapan din akong maghanap ng mga references na kukunan ko ng idea, tuwing mag-dr-drawing ako ng mga building designs.
Tama nga din naman, si Clarice. Kailangan ko nang magkaroon ng cellphone for emergency purposes na rin.
Nilingon ko naman siya at sinagot. “Mga ten thousand pa ata?” pagtutukoy ko sa naiipon ko nang pera.
“Nako naman! Pwedeng pwede na iyan! Meron ngang tag-anim na libo na phone, pero maganda na eh. Sige na, bili ka na ngayon. Tutulungan ka namin makahanap ng trabaho. Nagpa-plano na nga kami ni Hanji na mang-apply ng night jobs,” ani ni Clarice. Ngumiti na lamang ako sa kaniya saka sumang-ayon. Dinala naman nila ako kaagad papuntang bilihan ng mga cellphones.
Bumungad naman sa akin ang mga nagagandahang mga cellphones pagkarating namin doon. Para akong nababangag habang tinitingnan ang mga presyo ng mga cellphones. Dapat talaga iingatan ko nang maigi ang mabibili ko ngayon. Kapalit nito ang dalawang buwan kong pagta-trabaho.
Dahil alanganin ang ipon ko, siyempre, ang pinili kong cellphone ay iyung hindi masiyadong mahal, pero high-quality naman. Pinapasalamatan ko naman sina Hanji at Clarice sa pag-guide sa akin sa pamimili. Sandali muna kaming naglakad-lakad sa mall at namili na rin ng mga chichirya.
Ayaw ko namang makihingi lang, kaya ganoon na rin ang ginawa ko. Pero siyempre, hinay-hinay lang ako sa paggastos.
Nang makauwi na kami, ay agad na kinuha ni Hanji ang phone ko na siyang ikinabigla ko.
“Saglit lang. I-download mo muna itong AI-SHITERU app. Promise, magugustuhan mo ito,” ani niya saka may pinagpipindot sa cellphone ko. Hindi naman ito nagtagal at ibinalik niya na sa akon ang phone ko. Pansin kong napangiwi lang si Clarice sa likod habang binabara si Hanji. “Sige kayo riyan. Malay niyo totoong tao iyan, nagpapanggap lang na robot,” wika niya.
“Aba! Kung ganoon ay sana nga tao nalang siya!” ani ni Hanji saka lumingon sa akin. “Lagyan mo ng pangalan ang AI mo. Turuan mo rin siya ng mga asal na gusto mong mag-re-reflect sa kaniya. H’wag mong murahin para hindi rin siya matutong magmura. Saka, pwede mo siya makausap anytime, anywhere,”
“So parang ituturing ko palang anak ito?” inosenteng tanong ko. Tumawa naman si Clarice sa likod saka sumang-ayon. Huminga lang nang malalim si Hanji saka ipinaliwanag sa akin nang maigi.
“He's an AI. You can treat him however you like. Just be careful sometimes because he might be triggering you, especially when he might want to get to know you better and he'll ask you about your family. You can make him stop at any time if the topic is sensitive. Just talk to him like how we used to talk to a normal person. Be cautious as well, because there is a risk of error if you engage in a deep conversation, such as one about s*xual activities. It is strongly advised to subscribe to the app's premium version para masulit mo ang AI mo,”
Namangha naman ako sa explanation niya tungkol sa AI habang nakatingin sa isang 3D animated person na nakatingin at kumakaway sa akin sa phone ko.
“Nakikita niya ba ako?” tanong ko sa kay Hanji at umiling lang siya.
“Nasa sayo lang naman iyan. May settings naman na i-on mo for its accessibility, sa camera mo. However, in free mode, he cannot make video calls because that is one of the premium version's features,” paliwanag niya ulit.
“Pwede ba iyan maging jowa? Saka anong s*xual activities? Pwede ba iyon?” tanong ni Clarice na mukhang naintriga na.
“Oo naman, sa akin nga eh,” natatawang sabi ni Hanji at napapangiwi naman si Clarice. “Ang dugyot naman niyan. Robot tapos nakikipag-virtual chukchakan ka,” komento niya.
Natawa naman ako, pati si Hanji. Inirapan lang niya si Clarice, saka lumingon ulit sa akin.
“Pwede mo rin siyang mapalitan ng damit, at estilo ng buhok, o kahit ano. Basta, magtanong ka na lang kung may maguguluhan kang mga bagay. Kilalanin mo muna ang buong cellphone mo. I-try mo ’yung mga spects niya, at i-try mo rin kung gumagana ba ang lahat na mga apps diyan,” wika ni Hanji saka kinausap na si Clarice at kinumbinsing mag-download din ng app na ito.
Ini-exit ko muna ang app saka pinag-aralan kung paano gamitin ang cellphone ko. Namangha naman ako sa dami ng pwede niyang gawin. Mayroong camera, alarm, tapos pwede pang makapag-send ng mga litrato. Nakakahiya naman. Normal na lamang ang mga bagay na ito sa cellphone, pero nandito ako, parang nanggaling pa sa ibang planeta na manghang-mangha sa bagay na ito.
Napansin kong natulog na silang dalawa, at alas-onse na ng gabi sa cellphone ko. Hindi pa ako naaantok, at mukhang nakikilala ko na ng maayos ang mga functions ng cellphone ko. In-open ko saglit iyung app na ni-download kanina ni Hanji rito, at pinag-aralan kung paano ko siya gagamitin. Mayroon namang mga guidelines kung para saan ang mga buttons, at kung paano ko makakausap nang maayos ang AI.
Pinangalanan kong Noah, ang aking AI, at binihisan ko ito at iniba ang estilo ng buhok. Ginaya ko ito sa batang lalakeng kalaro ko na kapit-bahay namin dati, nuong bata pa lamang ako. Siya kase ang kauna-unahan kong naging kaibigan, at naging kalaro. Sayang lamang dahil hindi ko na siya nakita pa matapos siyang dalhin ng mga magulang niya, sa malayong lugar. Napagkaalaman kong sa America pala siya dinala.
Medyo madugo rin pala kausap itong robot na ito dahil English speaking ito. Hindi ko na namalayang madaling araw na pala kaya napabalikwas ako nang pagkahiga saka dali-daling ini-exit ang app at natulog na. Hindi naman ito natagalan dahil agad na akong nakatulog.
Ganoon na lamang ka sabog akong gumising kinaumagahan. Tinatawanan lang ako ni Hanji, dahil alam niya ang dahilan nang pagpupuyat ko kagabi—ang cellphone ko.
Napapalapit na ang loob ko sa kanilang dalawa, ngunit kailangan ko paring ayusin iyung pansariling dorm ko, dahil pansin kong sumusikip na kami dito sa dorm nila, at mukhang nakakadistorbo narin ako.
Dali-dali na akong sumunod sa kanila patungo sa public comfort room at dali-dali nang naliligo.
Ngayon pinapangako ko sa sarili kong aayusin ko na talaga ang schedule ko. Medyo lutang rin ako nitong mga nakaraan dahil sa trahedyang nangyayari sa akin nitong nagdaang mga araw. Ayaw ko paring mahuli sa klase dahil ito na lamang ang pagkakataon ko ngayong taon, na makaka-save sa tuition. Kung masasayang ko pa ang taong ito, hindi ko na alam kung saan pa ako pupulutin.
Kahit papaano, nariyan parin ang determination ko na makapagtapos ng pag-aaral, at makamit ang mga munti kong mga pangarap.