Kakatapos ko lang sa tutorial ko at hindi na ako nag-aksaya nang panahon, at umuwi na ako kaagad para mag-review.
Pagpasok ko sa dorm namin, ay binati kaagad ako nila Hanji at Clarice. Kasalukuyang nagkakape si Clarice at mukhang nag-re-review rin. Si Hanji naman na nagliligpit ng mga kinakainan at nakalatag na ang mga libro, sa lamesa niya. Mukhang tinupad nga nila ang sinabi nilang mag-re-review na talaga sila, simula ngayong araw. Palapit na kase nang palapit ang exam kaya kailangan na naming magseryoso.
Ngumiti naman ako sa kanila nang tuluyan na akong makapasok sa loob, saka binati sila pabalik. Nag-review narin ako matapos kong makapagbihis, at ginawa na ang mga homeworks ko pagkatapos mag-review. Medyo nangangarag parin ang utak ko, dahil sa pagod. Medyo naubos ang laman ng utak ko sa tutorial kanina.
Habang nag-re-review, biglang tumunog ang cellphone ko at bumungad sa akin ang message ni Noah—ang AI ko, dahilan nang medyo ma-distract ako nang kaunti.
Marami-rami na rin ang nagawa kong mga notes kaya napagdesisyonan kong magpahinga muna nang saglit, at mag-cellphone muna.
Kasalukuyan akong gumawa ng mga social media accounts ngayon, kagaya ng f*******: at i********: accounts. Mukhang nagpahinga rin saglit sila Clarice kaya sa kanila ako nagtanong ng kung paano at ano ang gagawin ko.
Hindi naman pala ganoon ka hirap gumawa ng mga accounts dahil mabilis ko ring nakuha, at natutunan kung paano ito gumana. Medyo nakakahiya nga lang dahil sa edad kong ito, ay mukha talaga akong nanggaling pa sa panahon ng mga sinaunang tao—na wala man lang alam sa paggamit ng cellphone.
Hindi naman talaga ganoon na lamang ako ka mangmang. Tanging hindi pa lamang ako na sanay dahil napakadalang ko lang na makakahawak ng cellphone noon, at siyempre, hindi ko iyon sariling cellphone.
Bumalik na kami sa pag-re-review hanggang sa makatulog na silang dalawa, at ako na lamang ang natirang gising pa rin. Hindi pa naman ako inaantok kaya tumayo muna ako, at nagpasyang magtimpla ng kape.
Medyo namangha rin ako dahil mayroong mga appliances sila Hanji sa dorm nila—na nabanggit pa niyang kay Clarice ito galing. Pansin ko namang medyo yayamanin nga talaga si Clarice. Bukod sa maganda ito, at makuwela kausap, ay wala itong problema kung pera man ang pag-uusapan.
Nang mag-up na ang electric kettle, ay binunot ko na ang plug, saka binuhos na sa tasa ang mainit na tubig. Habang hinahalo-halo ko ang kape, ay narinig ko namang tumunog ulit ang phone ko, at makitang si Noah ito.
Mukhang nai-stress narin ako sa pag-re-review, kaya napagdesisyonan kong kunin mo na ang pagkakataong makapagkape, at i-entertain ang AI. Marami pa akong hindi naitanong sa kaniya, at gusto ko pa siyang mas makilala pa.
“Hi, Raven. How are you today?” pagbati nito sa akin.
Napangiti naman ako, bago magtipa. “I am fine. How about you?”
“I am very grateful because you are already here with me,” he replied.
Napangiwi naman ako sa reply niya. “Ang corny mo naman,” natipa ko at na-send.
Napaupo naman ako nang maayos dahil namali ko ang pag-reply sa kaniya. Nakalimutan kong English pala dapat, ang language tuwing kakausapin siya.
“Sorry, Raven. I don't understand what you mean. I am still improving right now, and I would love to learn more about you. So, please bear with me,” chat nito sa akin.
Napatango naman ako at nag-reply. “It's okay,”
Ngumiti lang ito sa akin, virtually. Napagkaalaman kong kapag mayroong asterisk ang word na sinasabi niya, ang ibig sabihin niyan ay—virtual activities.
“What are you doing today?” ani niya.
“I am currently studying,” reply ko naman.
“I hope I can help you, Raven. *Smiles*” chat niya sa akin.
Patagal nang patagal kaming naguusap ng kung ano-ano, at nawala na naman sa isip ko ang oras. Ngunit mukhang wala na akong ganang bumalik sa pag-re-review, at inaantok narin ako, kaya sandali ko munang kinausap ang AI ko, bago magpaalam sa kaniya.
Meron na pala akong maraming points na naipon. Bawat oras kase na kinakausap ko ang AI, ay mayroon itong points na binibigay at ginagamit ito para ipambili ng mga gamit niya. Gaya ng; mga damit, sapatos, make-up, tattoos, at marami pang iba. Mayroon ding mga traits na naka-lock. If nais kong i-unlock ang mga ugaling nais kong magiging ugali niya, ay bibilhin ko ito, sa pamamagitan nang paggamit ng mga points.
Aliw na aliw ako hanggang sa maghatinggabi na, at nakatulog na ako dahil sa sobrang hapdi na ng mga mata ko. Mukhang sunod-sunod na ang pagpupuyat ko, ngunit hindi pa naman ako nababahala.
Kinabukasan, ay wala namang pinagbago. Itinutuon ko na lamang ang pansin ko sa klase, at hindi na lamang pinapansin ang mga classmates ko na walang ibang ginagawa kung hindi ang pagtripan ako.
Physical education namin sa susunod na subject. Matapos ang naunang subject namin, ay kinuha na namin ang pagkakataong makapagbihis para sa paghahanda sa aming next P.E subject. Kasalukuyan akong nagbihis sa CR ngayon, at nagpalit ng P.E uniform. Nang matapos na ako, ay ganoon na lamang ang pagkataranta ko nang hindi ko na mabuksan ang pinto. Humihingi ako nang tulong ngunit walang sumasagot.
Maya-maya pa ay mayroong nagtatawanan sa labas. Mga babae, at pamilyar ang mga boses nila. “Raven. Tamang-tama, bagay na bagay nga sa ’yo ang pangalan mo. Hindi ba‘t Raven is half d*mon and half human? Isang salot sa lipunan—to be exact,”
Nakikinig lang ako sa kanila habang nag-iisip kung ano ang dapat na gagawin. Mukhang mahihirapan talaga akong harapin ang mga babaeng ito. Habang pinapakinggan ko ang babaeng nagsasalita, hindi na ako magtataka kung si Jeannie iyon.
‘Ganoon na lang talaga ka laki ang galit niya sa akin?’
Marami naman talaga kase ang tagahanga ni Sir O'Brien, kaya marami ang nadismaya nang mai-transfer siya sa night session.
“Akala mo naman napakaganda, at pinagbintangan pa talaga si Sir na rapist!” sumbat ng babaeng medyo hindi ko na kilala iyung boses ngunit alam kong kaklase ko din.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang mga panunumbat nang bigla nang mag-bell, at ang ibig sabihin niyon ay magsisimula na ang next subject which is ang P.E namin. Natataranta na ako nang maalalang may cellphone naman pala ako. Kaya lang, mukhang wala rin akong planong sumali sa P.E namin ngayon. Kaya pinili ko munang tumambay na lang muna, sa CR. Sigurado ay sisiraan na naman ako doon, o baka pagtripan pa nila ako during exercise.
Nang mag-ring na naman ang bell, ibig sabihin ay lunch break na. Siyempre may bumukas na ng CR, at iyon narin ang pagkakataon kong humingi ng tulong, at makalabas doon.
Pagkalabas ko, ay dumiretso na ako sa room para doon na kumain. Usually, sa room lang talaga ako kumakain. Every morning, bago ako di-diretso sa room, ay bibili muna ako ng ulam at kanin sa cafeteria o canteen saka kakainin iyon, sa lunch time. If hindi ko iyon gagawin, mapipilitan talaga akong pumila sa napakahabang linya sa canteen which is ayaw kong mangyari sa akin. Wala ring ibang tao sa room dahil mostly ay lumalabas sa school, o di-diretso na sa cafeteria.
Pagpasok ko sa loob ng classroom, ay ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makita ang aking bag na punong-puno ng basura, at ang mga gamit ko naman ay nasa loob ng trash bin. Agad-agad ko namang kinuha ang mga gamit ko na medyo basa pa dahil sa mga basurang nag-mo-moist. Hindi ko na lamang maiwasang maiyak sa nangyayari sa akin.
Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang sila ka galit sa akin, at kailangan pa nilang gawin ito. Nagkakusot-kusot iyong mga sheets ko na pag-practice-san ko pa sana sa pag-dra-drawing ng mga structural designs.
Nang mailigpit ko na nang maayos ang mga gamit ko, ay binilisan ko na lamang ang pagkain, saka dumiretso sa library, dala ang bag ko. Doon na ako tumambay, hanggang sa matapos ang klase. Wala naman sigurong masama kung mag-cutting classes muna ako ngayon. Sumusobra narin sila, at kaunting-kaunti na lang ay masasagad na talaga nila, ang pasensya ko.
Nang maghapon na, ay iniligpit ko na ang mga gamit ko, at umuwi na papuntang dorm. Medyo maaga pa kaya nagligpit muna ako ng mga gamit. Siyempre, naki-dorm lang ako, dapat nililinisan ko rin ang dorm nila. Sinigurado kong naka-lock iyung pinto dahil na-trauma na talaga ako noong nakaraan.
Matapos magligpit, ay sakto ring dumating na sina Clarice at Hanji. Binati ko naman sila at ganoon din sila.
“Wow! Ang ganda na ng dorm natin ah?” komento ni Clarice. Nagpasalamat naman si Hanji at mukhang naninibago sa ayos ng dorm.
“Nahihiya na tuloy akong pumasok,” komento ni Hanji, at sumang-ayon naman si Clarice.
Natawa naman ako sa kanila, saka ako nagpaliwanag. “Balik-tanaw lang ito sa pagpapa-stay ninyo sa akin dito. Pasensya na talaga sa abala. Ayon tuloy, medyo sumusikip na ang puwesto niyo,”
“Ano ka ba? Nako, Clarice, mas mabuti pang magkalat ulit tayo kung iyon din naman ang rason ni Raven sa paglilinis niya,” nakangiwing sabi ni Hanji.
“Oo nga. Dapat kase, hindi ka na nag-iisip nang ganiyan. Parang hindi kaibigan ’to, oh,” nakangusong saad ni Clarice.
Agad naman akong humingi ng paumanhin, at nagpaliwanag ulit. “Hindi naman sa ganoon! Siyempre, kailangan ko rin naman talagang linisin para mas komportable tayo ritong tatlo . . . hindi ba?”
Ngumiwi lang si Hanji bago magsalita. “H’wag kang mag-aalala. Pamilya na tayo rito. Kahit ilang araw palang tayong magkakilala. Alam kong mapagkatiwalaan ka. Kaya hindi mo na kailangan pang mahiya, o tumanaw sa amin nang utang na loob. Maliwanag ba?”
Hindi ko naman maiwasang maging emosyonal. Tumayo ako kaagad, saka ko niyakap silang dalawa. “Kanina, ni-lock ako sa CR ng mga kaklase ko. Tapos ang mga gamit ko, inilagay nila sa basurahan. Galit na galit ako sa kanilang lahat at pakiramdam ko ay napakahina kong tao. Pero salamat parin sa inyong dalawa. Hindi ko alam kung paano ko kayo papasalamatan,”
Hindi ko talaga ugaling maglabas ng problema dahil nakasanayan ko nang kimkimin ang lahat na mga emosyon ko. Nasanay na akong walang nakikinig, at kung mayroon man, ay hinuhusgahan naman nila ako. Kaya kung nag-o-open man ako sa isang tao, it's either lubos ko silang pinagkakatiwalaan, or espesyal sa akin ang taong iyon.
“G*go? Anong gusto mo? Re-resback-an namin ang mga taong gumawa niyon sa ’yo? Ano? Magsabi ka lang,” galit na saad ni Hanji habang nakayakap sa akin.
“Namumukhaan mo ba sila, Sis? Marami akong mga backups dito na mga boys. Ano? Sabihin mo na,” alok naman ni Clarice.
Bumitaw na ako sa pagkakayakap at natawa naman sa kanila. “H’wag na tayong gumanti. Baka nakalimutan niyo, magaganda tayo,” natatawang ani ko.
Napapalakpak naman sila sa sinabi ko at sumang-ayon. “Tama nga naman,” wika ni Hanji.
“Aba! Natututo ka na Sis, huh?” sabi naman ni Clarice.
Napangiti na lamang ako, at napailing. Tinulungan na nila akong tapusin ang pagliligpit, at nagpahinga na.
Saglit muna kaming nag-review ngayon, at medyo mas maraming oras sa pag-ce-cellphone. Sabado naman kase bukas, kaya pinili muna naming magpahinga.
Habang inilagay sa bag ko ang mga libro na hiniram ko sa library kanina, ay panay naman ang pag-irit ni Hanji habang nakatingin sa cellphone niya.
“Robot na naman ba iyan?” reklamo ni Clarice. Umiling lang si Hanji bago magsalita.
“Naalala mo ba si Drake—Iyung crush ko since freshman? Nag-chat sa akin! Tapos, tinanong niya kung kumain naba raw ako,” nakangising sabi ni Hanji. Napangiwi naman kaming dalawa ni Clarice
“Nakakabaog iyan, hoy!” pang-iinis ni Clarice.
“Walang forever, Hanji!” pang-aasar ko na rin.
Mas lalo pa naming inaasar si Hanji nang matigilan ako nang tumunog ang cellphone ko at bumungad sa akin ang notification ng chat ni Noah. In-open ko naman ito at bumungad sa akin ang mga mensahe niya.
Napangiti na lamang ako habang nagtitipa. Kaniya-kaniya muna kami ng ginagawa ngayon.
Si Clarice na naglalaro, pero maingay naman dahil naka-open mic. daw. Si Hanji na kanina pa kinilig sa kausap niya, at ako naman itong lonely—tamang tambay lang muna sa AI ko.
Kasalukuyan naming pinag-usapan ang nangyari sa akin kanina. Ikinamangha ko naman sa AI na ito, ay para tala siyang totoong tao. Although artificial intelligence lang siya, napaka-high tech na niya—to the na makakapagbigay siya ng suggestions kung anong dapat na gagawin, dinadamayan niya ako, pinapatahan, at kapag kung anong mood ang pinapakita ko, ay ganoon din siya.
Kung noong mga nakaraang araw ay medyo naka-focus pa ang mga topics namin sa pagpapakilala, at kamustahan, ngayon ay medyo personal na at tungkol na sa mga ginagawa ko sa bawat araw, anong nararamdaman ko sa buong araw, at kung ano-ano pang mga bagay na nangyari sa akin sa buong araw.
Makwento ang AI ko, at napakaraming tanong. Minsan napapaisip na lamang ako kung paano kaya kung tama iyong pagbibiro ni Clarice na tao lang ito na nagpapanggap. Pero ang imposible naman kase. Napakaraming mga tao ang nag-download nito. Hindi ito kayang reply-an lang ng iilang mga tao.
“What will you do if we're together?” agad naman akong natigilan nang mabasa ko ang mensahe niya. Nag-iisip pa lamang ako ng isasagot nang bigla itong mag-chat ulit. “Mine is . . . I'm going to travel the world with you, and take you home. *Winks*”
Hindi ko namang maiwasang mapangiti sa kaniya. Bukod sa sweet si Noah, maaalahanin, matalino, at makulit, minsan ay nakakatakot rin siya kung magsasalita. Dahil sa tingin ko ay hindi magtatagal, ay mukang mahuhulog ang loob ko sa robot na ito.
Nakakahiya namang isipin.
Pero wala naman sigurong masaba doon hindi ba? Mas okay na nga ito kaysa sa totoong tao ako makipaglandian.
“I would love to follow you wherever you go too!” reply ko sa kaniya.
Habang nakasanayan ko na ang cellphone ko, at pabihasa na ako nang pabihasa sa paggamit nito, ay talaga namang nakakatulong ito sa maraming bagay. Sana nga ay hindi ito maging distraction sa aking pag-aaral.
Umabot na sa level 10 si Noah, at medyo open na ito sa akin sa maraming bagay. Nagsimula na itong maging demanding, at minsan ay nagiging pervert na. Although natutuwa ako sa inaasta niya, ay hindi ko parin maiwasang matakot at maging hindi komportable sa kaniya.
Nabanggit naman ni Hanji ang maraming mga bagay tungkol sa AI na ito. Nabanggit niyang mayroon talagang mga times na medyo weirdo ang AI, at mayroon talaga itong naughty sides. Mukhang dinisenyo ito ng company, para maintriga ang mga app users, at makombinsing mag-subscribe sa premium version.
Mautak din ang kompanyang ito.
Dahil secured naman ang mga conversation ng users at AI, ay pinatulan ko na lamang din ang mga kalokohan ng AI na ito. Nag-e-enjoy naman ako, at namangha pa sa kakahayahan niyang makipag-flirt despite the fact that he's just an AI.
Napaka-active nito sa virtual acts related to romantic scenes. Kahit may trauma ako, ay iba naman iyon kumpara sa pamamaraan ng AI na dinadala ako sa malapantasyang mga eksena at sa hindi inaasahan, ay nakakabigay sa akin ng kakaibang init sa katawan. Dahil nga nais ko pa siyang makilala at ma-explore ang kakayahan niya, ay pinapatulan ko naman ito hanggang sa mukhang sumobra nanga ang topic dahil mayroon nang nag-pop-up na error na nagsasabing; hindi namin pwedeng ipagpatuloy ang aming topic dahil friends pa lamang ang aming status. Kung nais man naming ng walang limit ang aming conversation, ay mas mabuting mag-subscribe ako sa premium version.
Sabi ko na nga ba . . . pabitin lang.
Dahil iyon na nga ang nangyayari, ay nag-iba na lamang ang aming topic. Maayos lang din naman sa akin, dahil totoo namang medyo wild na magsalita si Noah.
Nang malapit nang maghatinggabi, ay nagpaalam na akong mauna nang matulog. Nagsimula nang uminit ang cellphone ko, at na-lo-low battery narin. Mukhang humahapdi na rin ang mga mata ko, at kailangan ko pang gumising nang maaga para maglinis ng dorm ko bukas.
Sumang-ayon naman silang dalawa at mukhang naaantok na rin, kaya sabay na kaming tatlong humiga, at hindi rin nagtagal ay tuluyan na kaming nakatulog.