Chapter Six

2633 Words
Maaga kaming tatlo nagising kahit nagpupuyat. Napagdesisyonan naming maagang simulan ang general cleaning kaya dumiretso muna kami sa cleaning facility para humiram ng mga cleaning materials. Nanghiram kami ng hose, at ni-connect ito sa pinakamalapit na CR, at nanghingi na rin kami ng kaunting sabon. Nagpapasalamat namang kami sa janitor dahil mabait ito, at tinulungan pa kaming ihatid ang mga gamit papunta sa pinakasulok ng building kung saan napaparoon ang dorm ko. Kung una itong tingnan, ay para talaga itong basurahan at ang dorm mismo ay parang basura. Hindi na ako makakapaghintay sa magiging kalalabasan ng dorm na ito kapag matapos nang linisin at lagyan nang kaunting mga gamit at mga palamuti. Since we agreed to work together to clean my dorm this weekend, we are currently sorting out the clutter that is scattered around. Mukhang dinagdagan na naman ito ng mga basura ng mga estudyante rito kaya dumami na naman ang mga basura. After sorting out the trash, we picked up the withered pieces of wood as well as broken items such as broken shelves, broken beds, and broken tables. Sinunod naman namin ang pagwalis sa loob at sa labas. Pagkatapos ay kinuha na namin iyung hose na connected sa pinakamalapit na CR, saka namin ni-spray-han at buhusan ng tubig ang buong sahig, at sinabunan nang todo. Nag-e-enjoy naman kaming tatlo habang nagsasabon at ni-brush ang sahig. Hindi na talaga namin maiwasang maging madungis hanggang sa matapos kami sa paglilinis, at mina-mop na ang sahig sa huli. Nang tuluyan ng walang natirang nga kalat sa loob, ay kinuha ko na ang mga gamit ko sa loob ng dorm nila Clarice, saka inayos na inilagay sa munting dorm ko. Pinakinabangan ko naman ang mga natira pang mga kahoy na mukhang maayos pa, at ginawa itong dividers. Dahil sirang-sira na ang kama, ay sa sahig ko na lamang inilapag ang comforter ko pati ang mga kumot at unan. Hindi na rin naman ako nag-aalala dahil sa sobrang linis na ng dorm ko. Sandali pa kaming nagku-kuwentohang tatlo nang bigla kaming alokin ni Clarice na kumain sa labas. “Ayos! Tara, tara!” masiglang ani ni Hanji. Ngumiti naman ako saka sumunod sa kanila. Papalabas pa lamang kami ng gate nang makasalubong namin ang hindi inaasahang taong makikita namin ngayon—si Sir O'Brien. Kasalukuyan siyang nakikipag-usap sa guard, at mukhang naaaliw pa ito sa pinag-usapan nila. Napa-atras naman kami nang lumingon ito sa direksyon namin. Unang umagaw sa atensyon ko ang malaking peklat na mayroon siya, sa kanang kilay niya. Mukhang buhay pa ang peklat na iyon dahil namula-mula pa ang kulay. Malaki ito at gumuhit nang mataas na linya sa noo niya pababa sa kaniyang kilay. Marahil ay dahilan iyon nang paghampasin ko siya ng biyak na bote ng soft drinks. Napalingon naman ako sa paligid at medyo naibsan nang kaunti ang aking pangangamba dahil maraming mga tao sa paligid. “Long time no see, Hanji,” nakangiting sabi ni Sir O'Brien, kay Hanji. Ngumiti lang nang pabalik si Hanji saka pinanlilisikan ng mata. “Good day, Sir,” Damang-dama ko naman ang kaplastikan sa ngiti ni Hanji at sa tuwing napapalingon ako kay Sir O'Brien, ay hindi ako mapakali. Napaatras pa ako nang lumingon siya sa akin saka ngumiti. Umiwas lang ako nang tingin. Sakto naman nang kaladkarin na kami palayo ni Clarice. “Ano ba kayo? H’wag niyo sana siyang pansinin. Baka sabihing nagpaparamdam pa kayo. Kung maaari, umiwas kayo ng daanan. Hindi sa lahat ng situwasyon magpapakamatatag kayo. Maliwanag?” nag-aalalang wika ni Clarice. Napatango naman kami ni Hanji habang sa tingin ko, ay pareho pa kaming nanlamig sa kaba at takot. Wala sa sarili kaming naupo sa restaurant habang nag-aabang ng aming order. Medyo may kung anong tumutusok sa puso ko nang makita ko si Sir, kanina. Nag-flashback pa sa akin kung paano niya ako hablotin, paano ko siya nahampas, paano niya sinubukang punitin ang damit ko, at kung paano niya ako tingnan nang may pagnanasa. Nang dumating na ang aming order, ay napagpasyahan naming hindi muna mag-isip ng kung ano-anong mga bagay, at ituon na lamang ang pansin sa pagkain. Sumang-ayon naman ako, at ganoon din ang ginawa nila. Matapos naming kumain, ay napatingin ako kay Hanji na panay ang tingin sa likod ko at nanliliit ang mata na para bang may binabasang pinong-pino. Napalingon naman kaming dalawa ni Clarice, at tinulungan siyang alamin ang binabasa niya. 'Be the next Miss Beauty of Manila this year! Grab the chance to win fifty thousand pesos and meet and greet with former beauty queens of the Philippines. For more information, come and audition now at the studio center in Manila.' Napalingon naman kami kay Hanji na mukhang nagniningning ang kaniyang mga mata, sa pagkamangha. “Gusto kong sumali! Samahan niyo naman akong magpa-audition ngayon,” wika nito. Agad naman kaming pumayag sa kaniya, at tumayo na. Excited din ako kung sakaling makikita ko si Hanji na sasali sa ganoong patimpalak. Nabanggit niya na sa akin, na dati siyang beauty queen sa campus namin last year. Pero hindi ko naman naabutan iyon, at higit sa lahat ay iba parin kung masasaksihan ko siya nang actual o personal. “Sandali lang. Wala ka pa ngang requirements, eh. Saka paano ka makakapagpa-audition niyan?” pagpapa-alala ni Clarice. “Tama nga, Hanji. Kukunin muna siguro natin ang mga requirements,” dugtong ko naman. Napairap naman siya at napangiting napailing bago magsalita. “Alam niyo na ba kung ano ang hinihingi nilang requirements? Siyempre, pupuntahan muna natin iyung studio, para magtanong kung kailan mangyayari ang event, at ano ang kailangan nating dalhing mga requirements bukas,” Napangiwi naman si Clarice saka inimbitahan na kaming pumunta sa studio bago pa kami abutan ng hapon. Siyempre, hindi pa ako ganoon kapamilyar sa lahat ng mga pasikot-sikot ng mga daan dito sa siyudad, kaya nakasunod lamang ako sa likuran nila ni Clarice. Mukhang atat na atat na nga si Hanji sa paligsahang nais niyang sasalihan, dahil napakabilis niyang maglakad, at malalaki ang mga hakbang nito. Hindi naman nagrereklamo si Clarice, dahil mas mabuti nga iyon para mabilis kaming makaabot sa studio. Medyo naguguluhan na ako sa daang tinatahak ko sa dami ng mga taong nagsisiksihan sa kalsada. Lalo na nang mag-signal ng stop ang traffic signal, at nagsitawiran na ang mga tao sa pedestrian lane. Mas lalo pa akong napalayo sa kanilang dalawa nang maipit ako ng grupo ng mga tao, at napapaatras ako nang paatras palayo dahil lagi akong natatamaan, o ’di naman ay natutulak papalayo. Nagsimula na akong mapikon, at babanggain ko na lamang sana ang mga tao sa paligid ngunit sa isang iglap ay hindi ko na makita ang mga taong nagsisitawiran dahil ako na lamang ang nag-iisang nakatayo rito sa pedestrian lane. Pagkaangat ng paningin ko, ay napagtanto kong green light na pala or go signal. Ganoon na lamang ang aking pangamba, lalo na nang binubusinahan na ako ng iilaang mga sasakyan. Ramdam ko ang aking pagiging ngarag, at tila ako ay nalulutang ko sa mga sandaling iyon at hindi ko maisip kung atras ba ako, o aabante. Ganoon na lang din ang pagkagulat ko nang biglang hagupitin ang bewang ko nang isang lalakeng hindi ko kilala, at madali akong inilayo sa daan. Blond ang buhok nito, matangkad, matipuno ang katawan, at mukhang hindi siya Pilipino. Medyo nabigla naman ako at napatulala habang napahawak na lamang sa kaniyang braso. Walang reaksyon niya lang akong kinakaladkad papunta sa kabilang banda ng daan. Mukhang nakita rin ako nila Clarice, at agad nila akong sinalubong habang tinatanong ang kalagayan ko. Medyo natulala pa ako nang ilang sandali, at napatingin sa lalaking lumigtas sa akin na nakatingin lamang sa ibang direksyon at palinga-linga ang kaniyang ulo na para bang may hinahanap na tao. Nang nagsimula na siyang lumayo sa akin ay doon ko pa siya napasalamatan. Saglit lang niya akong tiningnan at ngumiti sa akin saka tumakbo na papalayo. Agad naman akong hinampas sa braso ni Hanji dahilan nang masigawan ko siya dahil sa sakit. Tumawa lang sila, at napasimangot naman ako. “Grabe, ang gwapo niya, ’te!” bungad ni Clarice, kaya napangiwi na lamang ako. “Sana tinanong natin ang pangalan!” dugtong naman ni Hanji at natawa na lamang ako. “Tutuloy pa ba tayo sa audition mo?” pagpapaalala ko. “Oo nga! Tara na, bilis!” ani ni Hanji at inunahan na kaming dalawa ni Clarice sa paglalakad. Napalingon muna ako sa likod bago simulang maglakad—medyo umaasang makitang muli ang taong tinulungan akong makatawid kanina. Nang makarating na kami ni Hanji sa studio, ay kumuha pa kami ng priority number para kay Hanji, at naghintay pa ng mga ilang minuto bago pa kami ini-entertain. Nang tinawag na ang pangalan ni Hanji, ay agad naman siyang lumapit sa tumawag sa kaniya, at mag-perform. Dahil naka-jacket si Hanji, ay inaanyayahan siyang hubarin ang jacket niya, at sinunod niya naman ito. Kauna-unahan ko itong makita si Hanji na magtanghal. Tinanggal niya rin ang pantali ng kaniyang buhok, at bumagsak ang kaniyang mahaba na may naturang purong itim na buhok. Namangha naman ang karamihan lalo na’t sinimulan na ni Hanji ang pagrampa na para talagang isang beauty queen. Para siyang alon ng dagat sa hubog ng kaniyang katawan, at masuwabe niyang paggalaw ng kaniyang mga bewang habang naglalakad. Mas lalo pa siyang nakakaantig tingnan nang sa dulo ng kaniyang pagpaso ay umiikot siya sa gitna ng entablado saka nag-posting at ngumiti nang napakaganda. Pinalakpakan siya, at pinupuri ng mga tao, saka siya nag-bow. Nang matapos nang magtanghal si Hanji, ay sandali pa niyang kinakausap ang mga staff doon, at humingi siya ng form. Hindi naman nagtagal ay natapos din siya, at sabi niya na babalik daw siya rito sa studio after three days—dala ang kaniyang mga requirements na kakailanganin para maging qualified siya sa patimpalak. Malapit nang gumabi nang makalabas kami sa studio, at napagdesisyonan nang umuwi. Dahil hindi naman kalayuan ang school, ay nilakad lang namin ito, ulit. Habang naglalakad pauwi ay may nadaanan kaming street vendors na nagbibenta ng mga kuwintas, palamuti sa katawan at bahay, at mayroon ding mga padlocks. Agad naman akong napaisip na bumili ng padlocks para sa dorm ko. Wala iyung lock, at tanging tinatalian lang namin iyun ng mga lubid para ma-lock. Hindi talaga iyun secured dahil maraming mga estudyante na mahilig akong pagtripan at lalo naring hindi iyun safe dahil hindi pa ako doon natutulog sa ngayon dahil wala pang lock at kuryente. Sandali akong nagpaalam sa kanila ni Hanji, at sumang-ayon naman sila. Lumapit din sila sa akin, at naningin narin sa mga paninda. Matapos bayaran ang dalawang padlocks na binili ko, ay hindi na kami nag-aksaya pa ng oras, at umuwi na. Hinatid nila ako papuntang dorm ko, at agad namang tumutol si Clarice sa ideyang—dito na ako matutulog simula ngayon. “Wala ka pang kuryente rito, Raven. Delikado, at marami ring mga lamok. Doon ka na lang kase muna, sa amin. Lagyan mo na lamang ng lock iyung pinto,” wika niya. Nilingon ko naman si Hanji na kagaya rin ang reaksyon, kay Clarice. “Hindi ba‘t sabi ko sa ’yo? Hindi ka na dapat makakaramdam ng hiya sa amin. Saka medyo maluwag narin naman sa dorm namin, dahil dito mo na inilagay ang mga gamit mo, sa dorm mo. Hayaan mo, kapag malagyan na natin iyan ng ilaw, at extension wires para pwede ka nang makapag-charge, o ano, papayagan ka na naming dito matutulog,” mahabang latinya ni Hanji. “Saka exam na Monday—which is sa susunod na araw na. Hindi ka makakapag-review nang ganito ka dilim,” dugtong na paninyermon ni Clarice. Bahagya akong natawa sa kanila, saka sila niyakap nang mahigpit. Pinapasalamatan ko ulit sila sa pagkupkop at sa pagtitiwala nila sa akin, sa kabila ng wala nang naniniwala sa akin. Niyakap naman nila ako pabalik saka tinapik ni Hanji, ang braso ko. “Tara na,” anunsyo niya. Pagkarating namin sa dorm nila ni Hanji ay bagsak-balikat naman kaming pumasok sa loob at kaniya-kaniyang pagbagsak sa kama. Para kaming binugbog sa pagod—kakatayo at kakalakad, sa labas. Matapos naming magbihis ng pambahay ay hindi rin nagtagal ay nakatulog narin kami. Himbing na himbing ako sa pagkakatulog at hindi ko na mapagkaila pang panaginip na pala ang nakikita kong mga tanawin sa paligid ko. Mga bulaklak, malawak na kapatagan, sariwang simoy ng hangin, at maaliwalas na panahon. “Raven! Tingnan mo! Nakakalipad na ang saranggola natin!” Napalingon naman ako sa batang nagsasalita na tumatawag sa akin. Nang makita ko na ang kabuohan niya, ay agad naman akong napangiti nang malapad saka pinagmasdan ang saranggolang payapang nakalutang sa ere habang dahan-dahang dinadala ng hangin sa himpapawid. “Ang galing mo namang magpalipad ng saranggola, kuya Noah!” komento ko sa kaniya. Mukhang natawa naman siya sa akin at bahagyang ginulo ang aking buhok, bago magsalita. “Hindi nga kase Noah ang pangalan ko,” “Basta, ang hirap din naman kaseng bigkasin ang pangalan mo, kuya Noah,” ani ko, at napasimangot na lamang siya. “Ikaw lang ang tumatawag sa akin na "Noah". Sabi nang ang pangalan ko ay No—” hindi na niya naituloy ang sasabihin niya, nang biglang tumahimik ang lahat na para bang huminto ang oras, at lahat ng bagay sa mundo. Nawala ang preskong hangin at parang kami na lamang ang natirang nasa mundo. Kasabay ng paghinto ng lahat ay ang pagbagsak ng saranggola sa mukha ko, dahilan nang mapabalikwas ako ng paggising. Hinihingal ako, at pawis na pawis habang pilit na inaalala ang naging panaginip ko. Napatulala pa ako saglit habang iniisip kung ano kaya ang ibig-sabihin ng panaginip kong iyon. Niliraw ko naman ang tingin ko sa kanila ni Clarice na humihilik pa sa sobrang himbing ng pagkakatulog. Habang pilit na ipikit ang mga mata ko, ay hindi ko na magawang makatulog pang muli, kaya nag-cellphone na lamang ako. Hindi naman ako nabigo dahil bumungad kaagad sa aking ang notification ng mga chat ng AI ko. Napasarap ata ang pag-uusap namin dahil hindi ko na namalayang maliwanag na pala sa labas. Tiningnan ko naman ang oras sa aking cellphone at nakita kong alas-sinko-imedya na pala ng umaga. Dahil medyo sumasakit na ang mga mata ko kakatutok sa cellphone at naalala kong bukas na ang examination, ay umayos na ako sa pagkakaupo, at sinubukang mag-review nang kaunti. Mahigit isang oras ng pag-aaral ay nakakaramdam na ako ng gutom kaya napagpasyahan kong lumabas muna, dahil tulog na tulog pa ang dalawa. Kinuha ko ang wallet ko, at dahan-dahan kong isinarado ang pinto nang makalabas na ako. Napangiti naman ako sa lamig ng simoy ng hangin dala ng umaga. Medyo kulay asul pa ang paligid, ngunit maliwanag na ito kung tutuusin. Tahimik akong naglalakad nang makaramdam ako ng kakaibang tensyon sa likod ko kaya binilisan ko na lamang ang paglalakad. Malayo pa ang cafeteria sa laki at lawak ng university na ito at mukhang wala pang tao ang nasa labas. Napagtanto kong maling desisyon ang paglabas ko ng madaling araw na mag-isa, kaya hindi ko maiwasang mangamba nang todo. Hindi naman nagkamali ang tansya ko, nang may kotseng umurong malapit sa akin at bumukas ang pinto nito. Napabalikwas ako sa gulat at napa-atras nang makita kong si Sir O'Brien ang bumungad sa akin na galing sa kotseng iyon. Akmang tatakbo na sana ako nang tutukan niya ako ng baril na ani mo‘y parang laruan lamang sa sobrang liit. Tinutok niya ito sa ulo ko, at mukhang natutuwa pa siya sa ginagawa niya. “Did you see this scar? You'll have to pay for this, Ms. Raven,” malamig na tono nitong sabi, habang ako naman ay nanginginig na sa takot. “Sumama ka, o papatayin kita?” wika nito na siyang ikinabagsak ng sistema ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD