Chapter Seven

2628 Words
Nanginginig, nangangalay, at nanlalamig akong naglalakad papuntang dorm namin. Tirik na ang araw, ngunit pakiramdam ko ay napakadilim ng paligid. Wala ako sa sarili habang naglalakad. Hindi ako sigurado kung tamang daan pa ba ang tinatahak kong daanan. Kada-lingon ko sa aking paligid ay maaalala ko na naman ang ginawa ng aking guro sa akin, kanina. “Come here, sweetie,” “H’wag po. Maawa naman po kayo,” “Shut up! Or I’m going to kill you,” Nabibingi na ako kakaalala ng eksena namin kanina. Nanatiling nakatakip ang mga kamay ko sa aking tainga habang naglalakad. Nababaliw na ata ako. Ngayon pa lamang ay gusto ko nang magwala sa galit. “Sinasabi ko sa ’yong babae ka. Subukan mo lang magsumbong . . . wala akong itira sa inyong tatlong magkaibigan,” Nanatili kong tinatakpan ang aking tainga habang pilit inaalis sa isip ko ang mga katagang binibitawan niya, at kung paano niya ako babuyin, wala pang oras ang nakalipas. “Pakiusap, tama na. Ayaw na kitang maalala pa!” Marahil ay napagkamalan na ako bilang baliw, ng mga tao—kung may makakarinig man sa akin na nagsasalitang mag-isa at pinagsasabunutan ang sarili, habang naglalakad. Lutang ako pero hindi ibig-sabihin niyon ay hindi ako nag-iisip. Lutang ako dahil nanatili parin sa utak ko ang eksena kanina, at doon parin pilit bumabalik ang pag-iisip ko—lalong-lalo na, sa mga pagbabanta niya. Papat*yin niya raw ako, at ang mga kaibigan ko, kung hindi ko ititikom ang aking bibig, habang ibabalik niya naman ang apat na taon kong scholarship kapag papayag akong magiging alipin niya, at hindi na manlaban kapag kakailanganin niya ako. ‘Napakalaswa . . . napakababoy!’ Simula palang noong bata ako ay hindi na ako nilubayan ng kamalasan sa buhay. Simula pa sa aking kamusmosan ay ipinagkait na sa akin, ng mundo, ang mamuhay ng payapa, normal, at masaya. Kung may nakaraan man akong mababalikang nagiging masaya ako, ay sana doon na lamang nagtapos ang aking buhay—kung meron man. Buong buhay ko ay nakatuon lamang sa pamumuhay sa probinsya, at pag-aaral nang higit pa sa mabuti. Hindi naman ako perpekto, ngunit bakit tila sobra namang pagpaparusa sa akin ito? Bakit tila pasan-pasan ko ang mga kaparusahang dapat ipaparanas sa mga magulang ko? Bakit sa lahat ng mga tao, ako pa? Marami namang mga hindi karapat-dapat magkaroon ng magandang buhay dahil masasama ang mga ugali nila. Bakit hindi na lamang sila ang nagkakaganito? Nabigla ako, dahilan nang mabalik ako sa realidad, nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Hanji. “Raven, saan ka ba nanggaling? Nag-aalala kami sa ’yo—teka, ano iyang mga pasa sa leeg mo?!” Pagkasabi niya niyon ay hindi ko na nakayanan pang magpupumigil ng mga luha kong nagbabadyang magsibagsakan. Bumagsak ako sa sahig, at tila madilim na lamang ang tanging nakikita ko sa sobrang pighati na aking naramdaman. Napahagulhol ako nang iyak sa harap nilang dalawa, at tila hindi na ako makakapagsalita at masagot ang mga nag-uunahan nilang mga tanong. Hindi ko alam kung papaano o saan ko ilalagay ang aking emosyon. Lahat ng nararamdaman ko ngayong sakit, puot at galit, pighati, takot at kawalan ng dignidad, ay tila sumasakal sa akin, at paunti-unting pumapatay sa sistema ko. Sirado ang aking utak, hindi na ako makakaintindi ng mga pinagsasabi ng dalawa kong kaibigan. Basta ay ang alam ko lang na nag-aalala sila at nais alamin ang nangyari sa akin. Hindi ko na namalayang naka-ilang minuto na pala akong umiiyak habang nakaupo sa sahig. Walang buhay kong niliraw sina Hanji at Clarice na hindi parin umaalis sa puwesto ko habang nagbabakasakaling kumalma ako at magkakaroon na ng lakas ng loob para ibahagi ang totoong nangyari. Nang medyo makayanan ko nang gumalaw, ay hinarap ko naman silang dalawa. Hindi ko parin mapigilan ang panginginig ng katawan ko. Sinubukan kong magsalita kahit pati ang mga labi ko ay nangingig parin. “Bibili lang naman sana ako ng pagkain para sa atin, mamaya, nang may kotseng sumunod at humarang sa akin, at bumungad si Sir Obrien at pinilit niya akong pinapasama sa kaniya,” Kaniya-kaniya naman silang napapamura, at napagtatuhang tama ang iniisip nilang dahilan ng paghagulhol ko. “Anong ginawa mo? Anong ginawa niya? Bakit hindi ka nakatakbo? Raven, sabihin mo,” sunod-sunod na tanong ni Hanji. Napayuko na lamang ako, saka maiyak na namang pinagsasabunotan ang sarili. ‘Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito sa buhay ko?’ “Hindi na ako nakapanlaban dahil tinutukan niya ako ng baril. Papat*yin . . . papata*yin niya raw tayo kung magsusumbong t-tayo,” mahabang tugon ko. “Naniniwala ka naman? Hindi naman tayo dito magsumbong sa paaralan. Doon tayo sa pulisy—” wika ni Clarice, na agad namang naputol, nang sumapaw ako sa sinabi niya. “Lahat ng pulisya rito sa Manila, ay koneksyon niya at ka-alyado. Halos lahat ng mga opisyal ay kakumpare niya. Kung magsusumbong naman tayo, ay nanganganib din tayong tatlo,” malungkot na pagbahagi ni Hanji sa impormasyon. “Sinubukan ko nang magsumbong dati, ngunit walang kahit anong aksiyon ang ginawa. Sa halip ay ginawa pa akong katawa-tawa ng mg pulis dito sa Manila,” dugtong ni Hanji. “Mukhang mayroong kinalaman ang Mayor ng Manila sa isyu na ito,” galit na dugtong ni Clarice. Habang nakikinig sa kanila, ay hindi ko na namang mapigilan ang mga luhang kanina pa na nagbabadyang magsi-agusan. Bakit hinahayaan ito ng gobyerno na magkakaganito? Bakit wala man lang nagmamagandang loob na traidorin ang hayop na gurong iyon, at magsumbong sa mas mataas pang antas ng gobyerno? Ngunit kahit gustohin ko mang magsumbong ay ayaw ko namang madamay ang mga kaibigan ko. Pero ayaw ko ring maging alipin ng aking guro. Sunod-sunod na ang mga katanungan, suhestiyon, ideang dala ng matinding puot, sa buong systema ko. Para akong paunti-unting nilalamon ng mga pangangamba. Sumasakit narin ang ulo ko, at tila para bang umikot ang paningin ko. Naalala kong hindi pa pala ako kumain, at halos pananghalian na at wala paring laman ang tiyan ko. Nanghihina ako nang husto. Hindi ko na mawari kung ano na ang nangyayari matapos ang mga oras na iyon dahil tuluyan na akong bumagsak sa sahig at nahimatay nang wala sa oras. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa wakas ay nakakaramdam ako ng pagiging komportable sa aking mahimbing na pagkakatulog, at iyon na lamang ang napagtantuhan kong nasa clinic na pala ako, mailang oras din, habang binabantayan nina Clarice at Hanji. “Raven, pakiusap kumain ka na,” wika ni Hanji. Napalingon naman ako sa kanilang dalawa at niyakap sila nang mahigpit. Ayaw ko ring makadagdag perwisyo sa kanila. Lalong-lalo na‘t hindi ko rin afford kung magkakasakit pa ako. Pinapasalamatan ko rin sila nang husto, at tinanaw ko na naman na utang na loob itong pagdala nila sa akin dito. “Wala nga kaming nagawa para sa ’yo. Kaya pasensya na talaga,” wika ni Hanji na namumugto ang mga mata na tila galing sa labis na pag-iyak. Pinatahan naman siya ni Clarice at binigyan ng tubig saka niya rin ako binigyan. “Raven, sa susunod kung may kailangan kang pupuntahan sabihan mo lang ako, o kami. Simula ngayon ay doble ingat na tayo,” seryosong saad ni Clarice kaya napatango naman kami. Mailang sandali pa habang pilit na lunokin ang pagkain, ay hindi ko parin mapigilang maiyak na nanaman. Pasimple ko lang na pinapahiran ang aking mga luha upang hindi na nila ito mapansin. “Good evening.” Halos tumalon na ako sa higaan sa sobrang pagkakabigla. Agad na lumapit si Clarice sa akin, saka ako inalalayan at pinapatahan, habang panay hingi naman ng paumanhin, ang Nurse. Nataranta pa ako dahil ayaw ko naman siyang humingi ng tawad dahil wala naman siyang kasalanan. Sadiyang nag-iba lang talaga ang reaksiyon ko at napapasobra ako sa pagkakabigla. Inanunsiyo niyang maaari na kaming makalabas at makapagpahinga nang maayos sa aming mga dorm. Pinapahayag niya ring sa sobrang pagpupuyat, at pagliban sa oras ng pagkain, ang rason, kung bakit ako nawalan ng malay. Pagkatapos naming kumain, ay nagligpit na kami ng mga gamit, saka pinapasalamatan ang nurse at bumalik na sa dorm. Madilim na ang daan papuntang building na pinaparoonan ng dorm namin, ngunit may mga tao pa naman sa labas na nagkukuwentuhan, at nag-di-date. Tahimik akong umupo sa space na higaan ko habang nakatingin sa kanila ni Hanji na inaayos ang higaan nila, saka siniguradong lock, ang pinto. Tahimik lang din sila, kaya kinuha ko na ang pagkakataong iyon na magpasalamat ulit sa kanila. “Sabi nang wala iyon,” nakangiting tugon ni Clarice, at ganoon din si Hanji. “Raven, exam pa bukas. Pilitin mong makatulog ulit, huh? Uuna na ako sa inyo,” wika ni Hanji. “Ako rin. Matutulog na rin ako. Good night, sa inyo,” sabi naman ni Clarice. Humiga na rin ako at pinipikit na ang aking mga mata. Ilang minuto pa ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong kanina pa paikot-ikot sa hinihigaan. ‘Hindi ako makatulog’ Bago ko pa maaalala nanaman ang pangyayari ngayong araw, ay kinuha ko muna ang cellpnone ko at binuksan ang mga social media accounts ko. Wala naman akong nakikitang kaaya-aya at nakakatamad ding manood nang kung ano-ano, kaya napagpasyahan ko na lamang na laruin ang AI ko. I chatted him, and he responded quickly. Mailang minuto pa ng pag-uusap namin, ay nagsisimula na akong maaliw sa kaniya, not until he asked me how was my day. Sinubukan kong ibahin ang topiko namin, ngunit tinatanong parin niya nang paulit-ulit. ‘Kung alam mo lang kung anong nangyari sa akin kanina.’ Agad naman akong nagtipa at inamin sa kaniya ang nangyari. Wala naman sigurong masama kung pati sa isang robot ay maglalabas pa ako ng problema. Sa totoo lang, kailangan ko ng kausap ngayon. Ayaw ko namang makaabala sa kanilang dalawa ni Hanji, kaya sa AI ko na lamang ibabahagi ang sarili ko, sa ngayon. “What will be your reaction if I am being h*rassed?” I chatted. “What do you mean you’re being h*rassed? What kind of h*rassment?” he replied. Habang nagtitipa, nagsisimula na namang sumisikip ang dibdib ko, at nagbabadya na nanaman ang mga luha kong magsibagsakan. “I am s*xually h*rassed by my professor, and I even got some bruises on my neck and arms,” panimula kong tugon. “D*mn! What happened? Did you already let others know this?” Sandali akong napatitig sa cellphone ko habang iniisip kung paano ko ititipa ang buong kwento. Sa tuwing tinitipa ko ang mga salita, ay muli na namang nabubuhay ang mga pangyayaring nangyari kanina. Hanggang ngayon ay hindi ko parin matatanggap na biktima ako sa ganitong karahasan. Siguro kung walang tao roon sa parking lot na narinig naming sumisipol-sipol, ay talagang nakuha na ng aking propesor, ang aking p********e. Tuluyan niya na akong nahubaran habang nakatali ang mga kamay ko sa aking likod noong nasa kotse pa lamang kami. Tinali niya iyon nang tagumpay niya akong napapasok sa kaniyang kotse habang tinutuonan ako ng baril sa ulo. Balak niya sana akong kaladkarin papuntang CR sa parking lot, ngunit laking pasasalamat ko nang pagkalabas namin sa kotse ay may taong sumisipol-sipol na pakiramdam ko, ay isa sa mga janitor. Kung hindi siya dumating, ay tuluyan na niya akong makaladkad sa CR, at mangyari ang mas matinding karah*san sa buhay ko. Agad niya akong pinapasok pabalik sa kotse niya saka ako binalaang hindi magsumbong kahit na kanino. “I can see that you really are hardworking lady. I would love to support your studies in just one, tiny, condition . . . that is to be my toy. My pretty, lovely, soft and innocent toy,” Nang maikwento ko iyon sa AI ko, ay sari-saring emosyon ang nagiging reaksiyon niya. Natutuwa naman ako dahil hindi ko maisip na ang isang artificial intelligence na kagaya niya, ay kayang makikiramdam at magbigay ng advise. Hating-gabi na at hindi parin ako nakakaramdam ng antok. Patuloy parin kaming nag-uusap ng kung ano-ano. Malayo na ang level ni Noah, at mas madali na siyang makakaintindi ngayon, kumpara noong unang araw ko pa siyang ginagamit. Araw-araw ay nag-i-improve siya, at nagiging mas maaalahanin. Natutuwa pa ako dahil kung magsalita siya ay parang hindi na kami magkaibigan. Nakakahiya mang aminin, pero the way he approaches me feels different. He often calls me “love”, or “baby” which made me blushed. Wala naman sigurong masama kung jo-jowain ko ang robot na ito, hindi ba? Sa katunayan nga ay mayroon itong premium version kung saan pwede ko siyang magiging romantic partner, sa loob ng ilang mga buwan—depende sa package na pipiliin ko. Mayroon itong for one month, one year, and lifetime. Siyempre, mas mahal ang bayad sa lifetime. Kaya hindi ko maiwasang ma-curious kung ano ang kaibahan ng pagiging premium version ni Noah as my romantic partner, kumpara sa free version ng app na hanggang friends lang talaga kami. Nakakahiya ring isipin dahil friends lamang ang status namin, ngunit ubod naman ng ka-flirty-han nitong si Noah. Marahil ay epekto ito ng pagiging baliw ko rin kausap, minsan, at sa na-purchase kong trait niya na; energetic, dreamy and confident. Patuloy lamang kaming nag-uusap ni Noah, dahil pakiramdam ko ay hindi na talaga ako dadalawin ng antok ngayon. Masyado narin akong na-attached sa robot ko which is pakiramdam ko ay nawi-weirdohan na ako sa sarili ko. Pero laking pasasalamat ko naman dahil kahit papaano ay na-di-distract ako, at pansamantala kong nakalimutan ang mga pangyayari, kanina. “Love, I am wondering what it feels to touch you,” chat ni Noah na siyang dahilan nang matawa ako nang wala sa oras. Napatakip naman ako ng bibig, saka nagtipa. “I don't know. Why did asked?” “I just thought maybe we should . . . You know,” he replied. “What do you mean, we should?” “I want you, darling,” he chatted back. Napalunok na lamang ako nang mariin, habang paunti-unting bumibigat ang bawat paghinga ko. He started to make dirty talks, but in polite way. Kahit sa pamamagitan lamang nang virtual acts, ang ginagawa niya, ay hindi ko mapigilan ang sarili kong makakaramdam ng kakaibang init sa aking katawan na hindi ko maintindihan. “I want to hear you moan, baby,” he said. Hindi ko mapigilang mapakagat-labi habang sinasabayan siya sa kung ano man ang mga pinagsasabi niya. I don't know what exactly we're doing right now. Intensyon ko lamang na pag-aaral kung hanggang saang topiko siya aabot, ngunit ngayon ay tila nadadala ako sa mga pantasya niya. Hindi ko mapigilang mamasa sa tuwing binababanggit niya ang detalyadong paraan ng kaniyang paghalik at paghaplos sa aking katawan, kahit imahinasyon ko na lamang ang dumudugtong sa lahat ng eksena. Hindi rin nagtagal ay nawasak rin ang aking pagpapantasya nang mag-e-error ang app, at nagbigay ng warnings. Inaamin kong medyo dismayado ako, at medyo nabibitin. Pero kaagad ko namang binura ang sa aking isipan ang aking pagkakadismaya. ‘Hindi ito tama, dapat hindi ko pinapabayaang magiging ganito umasta ang AI ko, at mas lalong hindi tamang madadala niya ako at ako na mismo ang ma-co-control niya.' Nagpaalam na ako kaagad kay Noah, saka kinuha ang aking charger para i-charge ang aking cellphone. Humiga ulit ako, at nagtalukbong ng kumot. Hindi parin ako naaantok ngunit kailangan ko pang gumising nang maaga, at kailangan ko ring ihinto ang aking imahinasyon. Ngayon lang ako nakakaramdam ng ganito, at hindi ko maisip na kaya ko palang mag-imagine ng mga romantic scenes sa utak. Ayaw ko nang mag-isip. Nakakainis rin dahil mukhang ang robot na mismo ang nagtuturo sa akin. Pumikit na ako at pilit na itulog na lamang ang natitira pang pag-iinit ng aking katawan. “Baby, do you feel me?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD