Chapter Eight

2666 Words
Tatlong araw na ang nakalipas, matapos ang exam namin para sa midterm. Ngayon, inanunsyo na kung sino-sino ang mga nakapasa sa nakaraang exam. Inilapag sa labas ng hall ang results at ang lists of students na pumasa nitong nakaraang exam. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Ngunit kampante naman akong isa ako sa mga nakapasa. Kanina pa ako naiipit sa mga nagkukumpulang mga estudyante rito sa hall, habang hinahanap ang pangalan ko sa listahan ng mga nakapasa sa exam. Hindi na ako magtataka kung hindi man ako mapapabilang sa mga top students ngayon, dahil sabog ako sa araw ng examination. Ngunit siyempre, ay umaasa parin naman ako. Kahit distracted ako sa mga oras na iyon, ay ginawan ko parin naman talaga ng paraan at sinikap ko parin naman talagang makapag-focus kahit mahirap. Mailang tsokolate at chewing gum pa nga ang naubos ko noon. Iyon talaga ang technique ko tuwing kailangan kong mag-focus. Ang tsokolate, ay para sa sharper mind at alertness, habang ang chewing gum naman ay for focus, lalo na kung magbabasa ako. Share ko lang. Nagpapasalamat naman ako dahil umaga pa lang sa araw ng examination, ay binabati na ako nila Hanji at Clarice, at sila mismo ang unang naniniwalang malalagpasan ko ang exam. Siyempre, ganoon din ako, sa kanila. Matatalino sila at seryoso sa pag-aaral. Kahit minsan ay tinatamad kami, kapag sinabing; oras ng pag-aaral—oras talaga iyon, ng pag-aaral. Minsan nga lang ay distracted si Clarice sa mga lalake niyang tumatawag tuwing gabi. Pero na-co-cope up naman niya iyon—sure ako roon. Ilang minuto ko pang hinahanap dito sa ibaba ang pangalan ko, nang kalabitin ako ng isang lalake. Pamilyar siya, sa akin. Naka-eyeglasses siya, at mukhang naniniyerbyos magsalita nang nilingon ko siya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at sinuri ang mukha niya. Mukha naman siyang mabait, at matalino—kase naka-eyeglasses. Ganoon naman talaga iyong basehanan, hindi ba? Ngumiti ito sa akin at napakamot sa kaniyang batok. Medyo na-cu-cute-an naman ako sa inaasta niya. Hindi naman sa pinagkatiwalaan ko na kaagad siya. Tanging napagkaugalian ko lang talaga ang pagngiti pabalik tuwing nginingitian ako ng tao kahit hindi ko pa man siya kilala. “May kailangan ka po ba?” sabi ko sa kaniya—not minding na naiipit parin ako ng mga tao. Medyo nauutal pa siyang magsalita, saka tinuro ang itaas na bahagi ng likod ko. Nangunot naman ang noo ko bago dahil hindi ko siya naiintindihan. Tumingin ulit siya sa akin at bahagyang ngumiti, bago magsalita. “Ang talino mo po pala. Huwag mong hanapin ang pangalan mo sa ibaba. Nasa third rank ka po,” Nanlaki kaagad ang mga mata ko, pagkasabi niya niyon. Ganoon na lamang ang pagkamangha ko, or should I say pagkagulat, nang makitang totoo ngang nasa ika-tatlong rank ako. Nilingon ko siyang muli, at hindi ko maiwasang mapangiti nang malapad nang kaharapin ko siya dahil hindi ko talaga ito inaasahan. Nanatili ang kaniyang pagngiti sa akin nang matamis, saka pinalakpakan niya ako. Hindi ko mapigilang mapatalon sa sobrang saya. Hindi ko akalaing maging pangatlo ako sa klase. Distracted pa lang ako niyan, huh? Paano pa kaya kung hindi? Baka lalagpas na ako sa first rank niyan—just kidding. “Congratulations po! ang galing mo naman,” pagpupuri niya. Nagpasalamat naman ako nang marami sa kaniya. “Ikaw ba? pang-ilan ka?” nakangiting sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin at tinuro ang pangalan niya sa listahan. “Malapit lang po ang pangalan natin sa isa't-isa. Medyo nasa itaas lang po ako nang kaunti, sa inyo,” masayang sabi niya. Agad ko namang tiningnan nang mabuti ang listahan. Since si Jeannie ang nakalagay sa second rank, niliraw ko kaagad ang tingin ko sa pinakataas—which is ang first rank. ‘Kenz Velasquez’ Nilingon ko ulit siya na nakangiti parin sa akin. “Ikaw ba itong si Kenz Velasquez?” Masaya naman itong tumango, at bahagyang natawa at napakamot ng batok niya. Agad ko naman siyang tinapik sa balikat, saka kinamayan. “Ang galing! Congratulation, Kenz!” masaya ko siyang binati, Ngumiti lang siya sa akin nang matamis, saka nagpasalamat at napatakip sa kaniyang mukha. Natawa naman ako sa pagiging mahiyain niya. Matapos naming makita ang mga pangalan namin sa listahan, ay lumayo na kami roon sa mga nagkukumpulang mga tao na nagkakaniya-kaniya pa ang pagkuha ng mga litrato. Pansin ko ring wala masiyadong bumabati kay Kenz kahit siya ang nangunguna sa klase, na siyang ipinagtataka ko. “Pwedeng sumama muna sa iyo, Raven? Medyo naiilang kase ako roon” ani niya kaya tumango naman ako kaagad. “Pasensya na, huh? Medyo nagtataka lang ako. Mukhang wala atang masiyadong bumati sa iyo. Nangunguna ka naman sa klase,” Ngumiti lang ito sa akin saka napayuko. “Marami namang bumati sa akin kanina. Sadiyang wala lang talaga akong masiyadong close sa classroom natin kaya wala masiyadong kumakausap sa akin. Pero marami naman ang bumati,” ani niya habang bahagyang ngumingiti. Medyo nahawa narin ako sa ugali niyang pagiging palangiti. “Nag-iisa ka lang ba?” tanong ko sa kaniya. Tumango naman ito saka napabuntong hinga. Palubog na ang araw, at hinihintay ko na lamang din sina Hanji, upang sabay na kaming umuwi sa dorm namin. Umupo muna kami ni Kenz sa simentong hagdan na nakaharap sa may main gate ng school. “Wala talaga akong kinakaibigan sa room natin. Hindi rin ako mahilig sa mga trip nila, at lalong hindi ako makasabay. Hindi naman kase sila magandang pakikisamahan,” mahinang tugon ni Kenz. Sumang-ayon naman ako kaagad sa sinabi niya. Akala ko ay ako lamang ang nakakapansin doon. Nakakapagtaka nga dahil napapabilang naman ang paaralang ito sa most disciplined universities sa lungsod ng Maynila. Ngunit, sa totoo, ay napakaluwag lang ng pagpapatupad ng mga batas sa school na ito. Kung titingnan, ang dean at mga professors dito, ay mukhang walang paki sa mga mag-aaral. “And, oh, Raven. Before I forgot. Nais ko sanang humingi ng tawad sa ’yo. Last week, ako po ang inutusan ng mga classmates natin, na lagyan ng mga basura ang bag mo, at ilagay sa basurahan ang mga gamit mo. I am so sorry if hindi man lang ako nakapalag. They often pushed me to you since they said we had lots of commons,” nakayukong ani niya. Sandali akong napatahimik habang iniisip iyung pangyayari noong nakaraang linggo. Punit-punit ang mga sheets ko noon at basa ang iilan kong mga notebook. Napayuko na lamang ako, saka siya tiningnan. Malungkot ang mukha niya at tila nasasaktan din. “Ayos lang. At least alam ko na. Inaamin kong talagang nasasaktan ako nang mangyari iyon,” “Pasensya na po talaga,” wika niya. Ngumiti lang ako sa kaniya, saka umiling. “Tapos na iyon,” Nakayuko lamang siya at nilalaro ang kaniyang kamay. Napapaisip din ako kung binu-bully rin ba kaya siya ng mga kaklase namin. “Binu-bully ka rin ba nila?” tanong ko sa kaniya. Umiling lang siya bago niya ako sagotin. “Hindi naman. Tanging galit lang sila sa akin dahil hindi ako nagpapakopya,” natatawang sambit niya, akaya natawa na lamang din ako. Tama nga naman. “By the way. Are you busy later?” tanong niya sa akin, at umiling lamang ako. “I have something to tell you too,” dugtong niya naman na ikina-intriga ko. Tatanongin ko na sana siya nang marinig ko sina Hanji at Clarice na naghiyawan sa likoran ko na para bang inaasar ako dahil may katabi akong lalake. “Ayaw ko na lamang na mag-talk,” wika ni Clarice. “Sana all . . . sunset and chill,” pang-aasar ni Hanji. Napangiwi na lamang ako sa kanila saka pinapakilala si Kenz, sa dalawa. “Siya pala si Kenz. Siya ’yung naglagay ng mga gamit ko sa basurhan, nitong nakaraang linggo,” natatawang pagsumbong ko. Nanlaki naman ang mga mata nila, at mabilis na linapitan at kinuwelyohan ni Hanji, si Kenz. Napabuhak-hak ako nang makita ang natatarantang reaksiyon ni Kenz. Kayang-kaya ni Hanji na maiangat si Kenz, dahil mas matangkad siya nang kaunti, kumpara kay Kenz. Si Clarice naman ang medyo hindi pinalad sa height. “N-napilitan lang po ako noon! Promise po. Hindi ko po iyon intensyon,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Kenz. Natawa na lamang kaming dalawa ni Clarice, habang dahan-dahan binitawan ni Hanji, si Kenz. “Umayos ka, huh? Ang dami nang problemang kinakaharap nitong kaibigan ko,” seryosong sabi ni Hanji. Agad ko naman silang inawat, at natawang nilapitan si Kenz na mangiyak-ngiyak parin. “Pala-away ka talaga, Hanji. Huwag mo namang awayin iyung bata,” nakangusong sabi ko, saka natawa ulit. “Alam mo bang siya lang naman ang nangunguna sa aming klase?” dugtong ko at pinagmamayabang si Kenz. Natawa naman ito at napayuko at napakamot ulit ng batok niya. Hindi ba napupunit iyung batok niya? Agad naman siyang nilapitan ni Clarice, at mabilisang tinanggal ang eyeglasses ni Kenz. Nanlaki pa ang mata ni Clarice nang makita ang kabuohan ni Kenz. “Oh my gosh! May f*******: account ka ba?” tanong niya kay Kenz. Natawa na lamang si Kenz at tumango. Agad namang hiningi ni Clarice iyung f*******: name ni Kenz habang napangiwi lang kami ni Hanji na nakatingin sa kanilang dalawa. Natawa na lamang ako at napailing. “Bilisan niyo, bawal pa naman tayo magabihan,” pagpapaalala ni Hanji. Seryosong napatingin si Kenz sa akin na may halong pangangamba sa tingin niya. Ngunit nagbago rin ang expression ng mukha niya, at ngumiti kaagad ito sa akin saka binilisan na ang pagbigay niya ng kaniyang mga social media accounts, kay Clarice. Natigilan naman ako nang may ibunubulong sa akin, si Hanji. “Mukhang type ka ng Kenz na iyan. Ingat ka lang muna, baka partner iyan ng hayop na gurong iyon,” natawa naman ako sa sinabi niya, saka tumango bilang pagsang-ayon “Tapos na! Gosh, ang cute mo naman,” ani ni Clarice habang napakapit sa braso ni Kenz. “Pumapatol ka pala sa bata, Clarice?” natatawang ani ni Hanji. Tiningnan naman siya ni Clarice nang masama. “Una na kami, Kenz,” pagpapaalam ni Clarice. “Teka lang!” bungad ni Kenz, kaya hinarap namin siya, at hinintay siyang magpaliwanag. “Si Sir O'Brien po kase, ay kasalukuyang nandoon sa building ng mga dorms. Ni-check niya ang mga gusali ng building, at mukhang pinaplanohan kase nilang i-extend ang building,” nakayukong sabi nito. “Huwag po muna kayong pumunta roon,” dugtong niya. Napatingin naman kaming tatlo sa isa't-isa at nangunot naman ang noo ko. Seryoso namang nakatingin si Clarice kay Kenz saka nilapitan niya ito. “Anong ibig mong saabihin? Sabihin mo. Ano ang alam mo tungkol kay Sir O'Brien?” nagiging seryoso ang asta ni Clarice kaya natakot sa kaniya, si Kenz. “Pwede po ba natin itong pag-usapan sa mas pribadong lugar?” wika ni Kenz at sumang-ayon naman kami kaagad. Pumunta kami sa isang maliit na snack house, malapit lamang sa school namin. Dumiretso muna si Clarice sa counter para mag-order ng pagkain, habang kami naman ay namimili ng mauupuan. Napili naming dito pumwesto sa may sulok, upang mas makapag-usap kami nang maayos. Nang maupo na kami habang hinihintay ang order, ay seryosong tinanong ni Hanji si Kenz. Hindi naman nagtagal ay agad din siyang umamin. “Last Sunday, I was cleaning my bike near the school's parking lot. Pagkatapos kong linisin ang bike ko, ay pabalik na sana ako sa dorm ko noon. But suddenly, nakita ko si Sir O'Brien na lumabas sa kotse niya. Babatiin ko na sana siya nang makita kong may babae siyang inilabas sa kaniyang kotse, at mapagtantong si Raven iyon na halos wala nang suot na kasuotan. I am sorry for what I had saw, Raven. Hindi ko iyon sinasadya,” wika ni Kenz. Tumango lang ako at hinintay siyamg magsalita ulit. Si Kenz pala ang lumigtas sa akin sa panahong iyon. “Agad akong nagkukunwaring sumipol-sipol para matigilan si Sir, at hindi naman ako nabigo dahil agad niyang pinasok ulit sa loob ng kotse, si Raven that time. Hindi rin nagtagal ay lumabas na si Raven sa kotse na may damit na—which made me relieved. Simula noong araw na iyon, ay hindi na ako makatulog, sa takot. I was traumatized by that scenario. I was thinking—paaano pa kaya si Raven? Simula nang makita ko ang pangyayaring iyon, ay naniwala na akong totoo iyung sinabi ni Raven na ni-attempt r*pe nga siya ni Sir O'Brien. I was supposed to help Raven that time but I was panicked and shocked. Wala akong nagawa kung hindi tingnan at sundan lamang siya hanggang sa makauwi siya ulit sa dorm ninyo. I witnessed how shocked and traumatized Raven that time. Matagal ko nang gustong sabihin ito, kaso ayaw ko namang ma-distract pang lalo si Raven lalo na‘t exam day pa naman iyun. I am willing to help you guys, just trust me,” nanginginig na paliwanag ni Kenz. Hindi ko na namalayang kanina pa pala akong humikbi sa pagkakaiyak. Agad kong pinunasan ang mga luha ko, at huminga ng malalim. Mixed emotions ang nararamdaman ko, kaba at takot na baka hindi siya totoong nagmamalasakit at kakampi pala siya ng aking guro. Ngunit kahit ganoon paman ay masaya rin ako dahil sa wakas, ay napupunan ang naniniwala sa akin. Habang pinagmasdan ko si Kenz ay mukhang seryoso naman siya, at mapakatiwalaan. Sana nga ay tama ako. “Mapapagkatiwalaan ka ba, Kenz?” seryosong tanong ni Hanji. Tumango naman siya kaagad at napupunas ng luha at pawis. “Please, if ever kakampi ka rin lang naman ni Sir O'Brien, pakiusap—” mangiyak-ngiyak na saad ko. Ngunit agad niya naman akong pinatigil. “Hindi po ako ganoong klaseng tao. My mom was also a r*pe victim. I can't no longer bare to see more and more women who'll get r*ped anymore,” paliwanag niya at hindi na maiwasang maiiyak. Napayuko na lamang kami saka humingi ako ng paumanhin dahil sa hindi ko kaagad siya pinagkatiwalaan. “I am also a victim of Sir O'Brien. So please, help us,” pag-amin ni Hanji. Nanlaki naman kaagad ang mata ni Kenz at napatakip ng kaniyang bibig saka tumango. “Makakaasa po kayo!” wika ni Kenz. Magsasalita pa sana ako at magpasalamat, ngunit dumating na ang order namin. Sandali namang nawala ang mabigat na mood namin, nang dumating na ang pagkain, kaya itunon muna namin ang aming atensyon sa pagkain. Nagulat naman ako sa dami ng ino-order ni Clarice. Kay Clarice nga pala ang gastos nitong lahat! “Celebration natin ito, dahil nakasali ako sa rank ngayong midterm! Nasa rank seven lang naman ang ganda ko—mainggit kayo please!” pagmamayabag na sabi ni Clarice. Pinalakpakan naman namin siya, at pinupuri. “Ako naman ay rank number one, as usuals” nakangiting ani ni Hanji habang pinalakpakan ang sarili. Nanlaki naman ang mata ko saka pinupuri siya. “Ang galing! Congratulation, sa inyo! Mahirap ba ang second year?” nakangiti kong sabi, habang si Kenz naman ay patuloy paring nagpapalakpak at pinupuri sila. “Pangako, doble yung hirap, ‘te. Hindi pwedeng hindi ka mag-re-review at mag-aaral nang mabuti,” sagot ni Hanji. Nakakaba naman. “Ikaw ba? Pang-ilan ang ganda mo?” nakangiting tanong ni Clarice. “Third!” masaya kong sabi, at pinalakpakan naman nila ako. “Palakpakan din natin ang bagong member ng ating gang, na first rank din sa klase at sa puso ko,” masiglang sabi ni Clarice, at napangiwi naman kami ni Hanji. Napatakip na lamang ng mukha si Kenz habang masaya naming binabati at pinapalakpakan. Nang makauwi na kami, ay medyo makulimlim na. Papasok na kami sa gate nang naalala ko na may tutorial session pala ako ngayon, kaya kagad ko itong pinaalam sa kanila. “Sige, hihintayin ka namin dito. Marami pa akong gustong alamin tungkol dito kay Kenz mo,” ani ni Hanji, saka kininandatan ako. Hindi naman ako nakapalag at medyo kinilig din. Totoo naman kaseng ang cute ni Kenz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD