“Hala! Ano ito?” Iyon na lamang ang narinig ko nang magising ako sa sigaw ni Clarice. Medyo sumasakit pa ang katawan ko dahil sa bigat na aking nararamdaman. Magrereklamo na sana ako sa ingay ni Clarice nang madapo ang tingin ko sa taong dahilan kung bakit napakabigat ng aking pakiramdam ngayon—si Kenz na nakapatong sa akin, habang mistulang ginagawang unan ang aking dibdib. Himbing na himbing parin siya sa pagkakatulog, at tila hindi pa umalis o gumalaw man lamang sa kaniyang position kanina. Nawala sa isip ko ang nangyayari sa amin kanina. Mukhang wala ako sa sariling tumawag kay Hanji kanina, at hindi na naisip na alisin si Kenz sa akin hanggang sa makatulog ako. Ngunit ngayong nag-flashback sa akin ang pangyayaring naganap sa amin ni Kenz kanina ay biglang may kung anong kuryenteng