Naghanda na kaming lahat para sa araw ng libing ni Tatay Ronaldo. Alam ko naman na kung nasaan man siya, kasama na niya si Nanay Esme at si Daniella. Wala siyang kasalanan sa nangyari sa'min, nadamay lang siya sa pagiging ganid ng mga Karlos. Napabuntong hininga na lang ako at nag-suot na ako ng shades dahil tirik ang araw sa mismong libing ni Tatay Ronaldo. Napatingin ako kay Tina na nakatulala lang habang yakap ang larawan ng kan'yang ama. Napaiwas na lang ako ng tingin dahil hindi ko kaya na makita siyang ganito. Nawalan siya ng magulang ng dahil sa'kin. Walang ibang pwedeng sisihin dito kundi ako lang. Dahil sa mga desisyon ko, may taong importante nanaman ang nawala sa'kin. "We're here," Napakurap ako at nilingon ko si Gaze na tinanggal ang seatbelt ko. Ngumiti lang ako sa kan'