“Where’s my son?” sambit ko nang magising ako. Nasa loob pa rin ako ng hospital at sa loob ng patient room ng anak kong si Israel. Yumuko si Mommy. “He’s dead.” Nagsimulang umagos ang mga luha ko sa pisngi nang muli kong marinig ang malungkot na sinabi ng Doktor. “A-Akala ko panaginip lang! T-Totoo pala ang lahat. Nasaan na ang anak ko? Gusto ko siyang makita.” Nilapitan ako ni Daddy at ang kambal kong kapatid na si Hency at Harvey. Tatlo silang nakaalalay sa akin. May pinuntahan kaming silid pagkatapos ay nakita ko ang anak kong nakahiga at walang ng buhay. Pumalahaw ako ng iyak nang makita ko ang anak ko. “I-Israel! My baby!” niyakap ko siya ng mahigpit. Walang kasing sakit ang nararamdaman ko ngayon para akong pinagsakluban ng langit at lupa. “Anak, bakit mo naman iniwan si Momm

