MARAHAN kong hinahaplos ang mukha ni Israel habang nasa loob kami nh ospital. Hindi na kami pinalabas ng hospital dahil kailangan ng operahan ang anak namin sa lalong madaling panahon. "Ang asawa ko na lang ang mag-opera ng anak ko, "sabi ko sa Doctor na unang naka-detect ng sakit ni Israel. Nagsalubong ang kilay ni Dr. Franseo. "Are you sure?" Paniniguro niya. Ilang beses akong tumango sa kanya. "Maraming salamat Dok sa tulong n'yo." "Kung 'yan ang desisyon mo kakausapin ko si Dr. Chen para maihanda ang operasyon." Tumango ako bilang tugon sa kanya. Pagkatapos ay umalis na siya. Muli kong pinagmasdan ang anak ko. Masyado pa siyang bata para pagdaan ang ganitong problema. Huminga ako ng malalim upang maibsan ang pangamba na nararamdaman ko. Kailangan kong magiging matatag para sa ka

