"ANG bilis ng panahon ilang buwan na lang ay manganganak ka na," sabi ni Fritzie sa akin. Dinalaw namin siya ni Liah dahil wala akong magawa sa bahay. Bumalik na ulit si Isaac sa dati niyang ginagawa kaya madalas kaming dalawa na lang ni Liah ang naiiwan. Sinipsip ko ang juice bago ako sumagot sa kanya. Nasa terrace kaming dalawa ng bahay niya kung saan tanaw mo ang pool at mga bulaklak sa loob ng bakuran nila Marami silang mga tanim, pero hindi si Fritzie ang plantita kung hindi ang asawa niya. "Excited na nga si Isaac na makita ang baby namin." "Pagkatapos mong manganak ay gumamit ka ng contraceptive para kahit gabi-gabi kayong gumawa ay hindi ka mabubuntis." "Iyon nga ang plano ko. Gusto ko na rin kasing bumalik sa dati kong ginagawa." "Kailan pala ang uwi nila Kuya John Ace?"

