"I'm married to Isaac," sabi ko sa Mommy ko nang makipag-video call siya sa akin. Simula nang malaman niyang hindi ako sumama kay Francis na bumalik sa Amerika ay tinatawagan na nila ako. Hindi ko lang sinasagot ang tawag nila dahil nasa honeymoon kaming dalawa ni Isaac. Ngayon ko sila naisipan tawagan kung kailan pabalik na kami ng Manila. "What! Are you crazy? Why did you marry the man who cheated on you five years ago?" sigaw ni Mommy. Kung kaharap siguro niya ako ay may kasamang sampal pa ako. Nakita ko kasing galit na galit siya sa sinabi ko. "I love you, him." "Kailangan mo munang mahalin ang sarili before you loved him again. Hindi ka ba nadala sa mga nangyari sa iyo?" "Mom, I thought you weren't mad at Isaac anymore. Why are you talking to me like that?" "We don't hate hi

