"HAPPY?" nakataas pa ang kilay ni Rosie, pagkatapos kong ikuwento ang lahat nang nangyari sa amin ni Isaac sa resort niya. Bahagyang umangat ang kilay ko at inawang ko ang mga labi ko habang pailalim ko siyang tinitigan. Ang taas ng energy ko habang nagku-kuwento ko sa kanya. Hindi naman pala siya natutuwa. Psh! Nagsayang lang ako ng laway sa iyo," pabulong ko. Kinuha ang pizza at pinagdiskitahan ko ng inis ko kay Rosie. Hindi ko namalayan na dalawang slice na ang kinain ko. "Hindi ako interesadong marinig ang kuwento mo tungkol sa asawa mo," diretsang sabi niya. "Galit ka pa rin sa kanya hanggang ngayon?" Namimilog pa ang mga mata ni Rosie habang nakatingin sa akin. "Hindi ako galit naiinis lang ako sa kanya lalo na sa iyo." "Bakit ka naman naiinis sa akin?" "Gaga ka ba?" Sabay i

