"Hindi ako papayag." Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit ayaw mo? Dapat masaya ka dahil magiging masaya na kayo ni Christine." Pinunsan niya ang luha niya. "Walang namamagitan sa amin ni Christine. I'll never cheat on you." "I don't believe you. Ilang beses ko na kayong nakitang magkasama ni Christine." Malungkot ang mukha niyang tumingin sa akin. "Hindi ako papayag sa annulment. Hindi ko hahayaan na magpakasal ka sa iba. Habang buhay na nakakabit sa iyo ang apelyido ko." Kinuyom ko ang kamao ko. "Palayain mo na ako hindi na tayo masaya!" "Hindi tayo masaya dahil ginusto mong hindi maging masaya." "Ikaw ang gumawa ng dahilan para hindi ka ako maging masaya sa piling mo. Bumalik ako dahil ang akala ko matutupad ang pangarap kong bumuo ng masayang pamilya kasama ka. Hindi mo ako masisi

