"Mr. Chen, ikaw lang po ang puwede magbigay sa anak mo ng dugo kayo ang compatible," sabi ng ng Doktor na tumingin kay Liah. Tumayo si Isaac at lumapit sa Doctor. "Kunin n'yo ang dugo na kailangan ng anak ko sa akin ngayon," sagot ni Isaac Binaling ko ang tingin kay Liah na tulog pa rin. "Anak, malapit ka ng gumaling," pabulong ko. "Let's go! Mr. Chen," wika ng Doctor. Agad namang sumunod si Isaac sa Doktor. Hindi kami nag-uusap ni Isaac mula nang dumating kami ni Isaac sa hospital. Maging ang magulang ko ay hindi ako masyadong kinakausap. Biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Arthur. "Arthur!" tawag ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit at sabay halik sa akin sa pisngi. Bigla akong nahiya dahil nakita ni Mommy ang ginawa ni Arthur. Ki

