I flashed the toilet again after vomiting. Tatlong beses na akong sumusuka ngayong umaga at pakiramdam ko ay hinang-hina ako. Wala akong matandaan na kinain o ininom kagabi na magiging dahilan ng pagsuka ko ngayon. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit kagigising ko lang naman. Tumunog ang phone ko at agad kong kinuha iyon dahil nagbabakasakali na galing ang text na iyon galing kay Damon. Nabigo ako nang unknown number ang nagtext doon at halos kilabutan ako nang mabasa ang text nito sa akin. From Unknown: I've been paid to kill you and your family and wish to spare all of you. Nasa paligid mo lang kami. Uminit ang ulo ko roon dahil bakit kailangan akong makatanggap ng ganito? Wala akong ibang nakakaaway at hindi ganoon kalala ang pakikipag-away ko sa mga naging babae ni Damon para