Wala na akong nagawa kung hindi sumama nalang sa kanila. I don't want to be unprofessional just because of Damon and Kylie. Isa pa, marami naman sila kaya mas lumakas ang loob ko dahil magaan lang din silang kasama nang isa-isa silang magpakilala sa akin. "Architect, do you have plans for today? Maagang natapos ang meeting," tanong ni Engineer Castro habang naglalakad kami papunta sa restaurant na kakainan namin. Nakasunod lang ako sa kanila dahil hindi ko naman alam kung saan sila pupunta. "I'll go shopping nalang siguro," nagkibit ako ng balikat at ngumiti sa kaniya. "Tamang-tama mamimili rin kami ngayon. Sumama ka nalang sa amin Architect," si Marie na isa sa mga kasama namin. Akala ko makakaiwas na ako sa kanila pero mali ko pa yatang sinabi na mag-shopping ako ngayong araw. "Ay