I feel like I'm loosing myself again. Nang mabayaran ko ang bill sa restaurant ay umalis ako kaagad doon kahit pa inaaya nila akong mag-shopping na. Pakiramdam ko ay sasabog akong tuluyan kung mananatili pa ako roon. Umuwi ako sa Hotel kung saan ako tumutuloy para makapag-palit ng damit. I don't regret for having a friends today, masaya at magaan silang kasama lalo na siguro kung hindi namin kasama si Damon at Kylie. Nanatili ako sa Hotel at doon gumawa ng irereport ko kay Daddy, kinailangan ko pang mag-alarm dahil mag-kaiba nga pala kami ng oras. Nang mag-alas tres ng hapon ay tsaka lang ako muling lumabas para makapamili ng mga pasalubong. Ayoko na kasing mag-tagal pa rito dahil mag-isa ko lang naman at hindi ko rin ma-enjoy ang ganda ng lugar. Bumili ako ng mga gamit nila Hope at Hun