Tahimik lang ako sa sasakyan at kahit kanina pa ako tinatanong ni Damon ay hindi ko siya sinasagot.
“What happened last night?” Lakas loob kong tanong sa kaniya.
Nagkibit siya ng balikat at sa daan itinuon ang mga mata. Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang kahihiyang ginawa ko kagabi! At talagang sa condo niya pa talaga ako natulog ha? Kahit kailan hindi ko naisip at pinangarap na makasama man lang si Damon pero ano ang nangyari? Hinalikan ko pa siya!
“Isipin mo, Summer.” Ngumisi siya at umiling na para bang walang planong sabihin sa akin ang nangyari kagabi.
“Wala kaba talagang naaalala?” Dagdag pa niya na halos ikalaglag ng puso ko.
“Magtatanong ba ako kung meron?” Mataray na sagot ko sa kaniya kahit alam ko naman ang totoo.
“We kissed," tumingin siya sa akin ng nakangiti,"no. Actually you kissed me," He added.
He licked his lips and bite it. Para bang achievement ang sa kaniya ang nangyari sa amin kagabi.
“What? That’s impossible," I scoffed but I’m ashamed at the same time.
Tumawa siya at umiling. Ang mga matang nakatingin sa daan ay ibinaling sa akin.
“Oh come on, Summer. You really can’t believe that you kissed me?” He asked and he almost laughed.
Halos manuyo ang lalamunan ko. Paano kung mahuli niya ako? Sigurado akong aasa ang lalaking 'to at ipagsasabi sa mga kaibigan niya! Umayos ako ng upo at umarteng nandidiri.
“Yeah and that’s gross! Ikaw hahalikan ko?" Tumawa ako nang malakas at umarteng wala talagang maalala.
Magpa-panggap nalang ako na wala akong maalala dahil sigurado akong aasarin niya ako lalo. Feeling naman kasi ang lalaking ‘to! Lasing lang ako kaya ko nagawang halikan siya at kung nasa tamang pag-iisip ako hinding-hindi ko gagawin 'yon.
Hindi nagsalita si Damon pero nanatili siyang nakangiti habang nagda-drive ng sasakyan. Laking pasasalamat ko nang makarating kami sa condo. Gustong-gusto ko ng maligo! Nakasunod lang sa akin si Damon hanggang sa nakarating kami loob ng condo. Naroon si Amber at Morgan sa sala at naglalampungan.
“OMG!” maarteng sabi ni Amber nang makita niya ako.
Tumayo siya galing sa pagkaka-upo. Sinuri niya ako at pagkatapos kay Damon naman siya tumingin. Nanliit pa ang mga mata niya na tila hinuhusgahan na ako.
“Thanks, Damon. Akala ko sumama na sa ibang lalaki ang pinsan ko.” Tumawa si Amber at ibinalik sa akin ang tingin.
Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. Nilagpasan ko siya para makapunta sa kwarto ko at makaligo na.
“Wait lang ha? My cousin and I needs to talk," Bulong ni Amber na naririnig ko naman.
Pagkapasok ko sa kwarto ay alam kong nakasunod sa akin si Amber. Bumaling ako sa kaniya nang marinig kong sumara ang pintuan ng kwarto ko.
She crossed her arms and looked at me with her judging eyes. Expected ko na ang ganitong reaksyon ni Amber kaya hindi na ako magugulat.
“Walang nangyari sa amin, Amber. Don’t give me a look like that.” Sabi ko sa kaniya habang hinuhubad ang damit ko sa harapan niya.
“What!? Bakit wala?” Natatawa niyang tanong.
Nagulat ako sa tanong niya at hindi nalang siya pinatulan sa mga kalokohang sinasabi niya. Dumiretsyo ako sa banyo at binukas ang shower. Hindi ko na sinara ang pintuan dahil alam kong hindi ako iiwanan ni Amber dito hanggat hindi nakakakuha ng sagot.
“Tell me what happened," Nakasandal siya sa pintuan ng banyo ko.
Hindi ko siya agad sinagot at dinama muna ang lamig ng tubig sa balat ko na para bang ilang araw akong hindi naligo.
“Ako dapat ang nagtatanong niyan, Amber.” May halong inis sa boses ko.
“I’m sorry na nga diba? Akala ko kasi lalabas lang kami ni Morgan para magpahangin kagabi.” Sagot niya.
“At anong nangyari? You left me, Amber.” Halos mapairap ako.
“Hinanap kita sa dance floor but you weren’t there. Hindi ko rin mahanap si Kristel, sa kaniya ko sana ipapaabot yung spare keys!” Sunod-sunod na sabi niya.
“Hanggang sa nakalimutan mo na ako dahil sa kaharutan mo!” Sagot ko sa kaniya habang pinag-papatuloy ang paliligo.
“Sorry na nga eh. Mabuti nga may Damon na baliw na baliw sayo.” Impit siyang tumawa.
Patapos na akong maligo at talagang walang balak umalis.
“Share mo naman kung anong nangyari sa inyong dalawa!” Kilig na kilig niyang sabi.
Kinuha ko ang towel ko at lumapit sa pintuan para maisara ‘yon.
“We kissed.” Bulong ko kay Amber kasabay at sinarhan siya ng pintuan.
Narinig ko ang tili niya galling sa labas at halos kumalabog ang puso ko dahil baka sabihin niya ‘yon kay Damon! Pagkatapos kong magtapis ay agad akong lumabas doon, nakahiga si Amber sa kama ko habang nakangiti.
“Masarap ba?” Impit siyang tumawa at bahagyang hinampas ako.
“Shut up! Lasing lang ako kagabi.” Inirapan ko siya.
“And please wag mong sabihin kay Damon na naaalala ko yung kagabi!” Dagdag ko dahil alm kong maingy ang bunganga ni Amber.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Damon kaya nahirapan pa akong mag hanap ng magandang susuotin. Hindi pa rin ako iniwan ni Amber doon at kinukulit ako.
“Saan ka pupunta? May date agad kayo?” Tumayo si Amber at pumunta sa harapan ko.
“May pupuntahan lang kami. It’s not a date.” I smiled at her sarcastically while putting lip-gloss on my lips.
I’m wearing a plain white turtle neck and high-waisted pants partnered with my black boots.
“Saan kayo pupunta?” Tanong ni Amber na akala mo siya ang nanay ko.
“I don’t know.” Nagkibit ako ng balikat. “Will you please stop asking, Amber?” Dagdag ko pa.
Humagalpak siya ng tawa at tumango.
“Fine, Fine. Enjoy your life with Damon. I’m so happy for you.” Nakangiti niyang sabi at madrama na yumakap sa akin.
“Hibang kaba? Damon’s helped me last night and I’m just returning the favor.” Lumayo ako sa kaniya.
Hindi ko alam kung nasisiraan na ba ng bait itong pinsan ko.
“Sige na I won’t bother you anymore.” Dumila siya sa akin at nauna ng lumabas ng kwarto ko.
Lumabas na rin ako nang matapos ako sa pag-aayos. Naabutan kong nag-uusap si Morgan at Damon sa sala, napahinto lang sila nang makita akong palapit sa kanila.
“Shall we?” Tumayo si Damon at pinasadahan ang suot ko.
“Ano sa tingin mo?” Pilosopong sabi ko sa kaniya.
Humagalpak ng tawa si Amber, napangiti si Damon at Morgan sa sinabi ko.
“Sabi ko nga.” Napakamot ng ulo si Damon.
“Ingatan mo pinsan ko, Damon ha?” Si Amber.
“Syempre naman, Amber.” Damon’s chuckled.
“Bye!” Ngumisi ako kay Amber at nauna ng lumabas at naramdaman kong nakasunod sa akin si Damon.
“Saan ba kasi tayo pupunta?” Tanong ko ulit habang papunta kami sa parking lot kung nasaan ang sasakyan niya.
“Surprise nga, Summer.” Napakamot siya sa ulo niya kaya inirapan ko nalang siya.
“Marunong ka pala mag-surprise?” I scoffed.
“Sayo lang.” Sagot niya at inunahan ako sa paglalakad.
Tumunog ang kotse niya at pinag-buksan niya ako ng pinto.
“Wow, gentlemen.” I teased before get inside in his car.
Napangiti ako dahil kahit kalian hindi ko naman naisip na magka-kasama kami ni Damon ng ganito katagal. Pagkatapos niyang umikot at pumasok ay tinignan niya ako.
“What?” Nagtatakang tanong ko.
Nanatili siyang nakatingin sa akin, halos kumalabog na naman ang puso ko sa mga tingin niya lalo na nang maalala ko na hinalikan ko siya kagabi.
He cleared his throat and looked away.
“Wear your seat-belt.” He clenched his jaw before he start the engine.
Tumango ako at mabilis na ikinabit ang seat-belt hanggang sa nagsimula na siyang mag-drive.
“Let’s buy our food for lunch. What do you want?” Napatingin siya sa akin.
Galing ang mga mata ko sa daan nang ibinalik ko ang tingin sa kaniya. Malapit na nga pala ang lunch time at hindi ko naman kasi alam kung saan kami pupunta.
Nagkibit ako ng balikat.
“Ikaw na bahala.” Sagot ko at muling ibinalik ang tingin sa daan nang makita ko siyang tumango.
“Kumusta naman kayo ni James?” Nagsalita siyang muli.
Nakakaramdam ako ng awkwardness sa sitwasyon naming ni Damon ngayon pero kailangan kong makisama dahil pumayag akong sumama sa kaniya. Hindi naman pwedeng maghapon ko siyang hindi kausapin at iwasan.
Umayos ako ng upo at sumandal. Bakit si James pa talaga ang ginawa niyang topic?
“There’s nothing about me and James, anymore.” Ngumuso ako nang maalala ang mga away namin noon ni James.
Isa si Damon sa mga pinag-seselosan niya at dahil doon madalas kaming mag-away.
Natawa si Damon at umiling kaya napanguso ako at umirap sa kaniya.
“Why did you split up?” Tanong niya pero hindi maitatago ang mga ngiti siya sa labi.
“Why do you have to ask? That’s not important.” I crossed my arms and looked away again.
Huminto ang sasakyan niya sa isang fast-food, nag drive thru nalang kami at okay lang naman sa akin ‘yon dahil wala naman akong dalang cash. Nakakahiya naman kung siya na nga ang mag-babayad tapos aarte pa ako.
“What’s yours?” Tanong niya dahil oorder na siya.
“Kung anong sayo.” Tamad na sabi ko at kinuha ang phone para makapag-scroll.
Hindi ko alam kung ano ang mga inorder niya pero alam kong marami ‘yon.
“Enjoy your meal with your Girlfriend Sir!” Masayang sabi ni Ate na naghatid abot ng mga inorder ni Damon.
“Yeah we will. Thanks!” He smiled playfully before he started the engine again.