Nagising ako sa malambot na higaan at halos indahin ko ang sakit ng ulo kaya muli kong ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung nasaan ako, ang alam ko lang ay may naaamoy akong panglalaking amoy.
What happened last night? I can’t remember anything! Ang alam ko lang ay na sa Bar kami.
Sinubukan kong bumangon at idinilat ang mga mata. Agad kong tinignan ang damit na suot ko at laking pasasalamat ko nang suot ko pa rin iyon.
“Rise and shine!”
Halos mapatalon ako nang may biglang umupo sa tabi ko dahilan nang pag-galaw ng kama. Mas nagulat pa ako nang makita ko ang muka ni Damon.
“What are you doing here!?” I took the pillow and throw it to him.
“Woah! Wait lang naman. You’re at my condo, Summer!” He raised his two hands.
Hinablot ko ang comforter para itakip sa katawan ko. May nangyari ba sa amin kagabi?
“Why am I here?” Galit na tanong ko. Pinag-samantalahan niya ba ako!?
“You don’t remember anything?” He smiled playfully.
“What happened? May nangyari ba sa atin?” Hindi ko napigilan magtaas nang boses sa kaniya.
Umayos siya nang upo kaya lumayo ako sa kaniya. Naging seryoso ang muka niya at umiling.
“Wala, Summer. Go and get up so I can drive you home.” Tumayo siya sa harapan ko at hinintay akong sumunod sa kaniya.
“I’m hungry hindi mo ba ako paka-kainin?” I rolled my eyes to him because of his rudness.
“I thought you want to go home?” He chuckled.
“Okay fine! Then take me home!” Inis akong tumayo sa kama niya at nagdiretsyo sa pintuan ng kwarto niya.
Gosh what do I expect from him? Sa condo na lang ako kakain!
Black and gray ang condo niya at kahit gusto kong tignan ang kabuoan ng condo niya hindi ko nagawa dahil sa inis. Agad kong dinampot ang sandals ko nang makita ko ‘yon at sinuot. Naka sunod sa akin si Damon pero hindi ko na siya pinansin pa.
“Where’s my pouch? Uuwi na akong mag-isa.” Tumayo ako at hinanap ang pouch ko.
Damon’s chuckled and looked at me.
“Let’s eat first," sabi niya at agad kinuha ang palapulsuhan ko sabay hinila ako papunta sa dining area niya.
Maraming pagkain ang naroon. May bacon, scrambled egg, hotdog, pancake, fried rice at may mainit na sinigang na karne pa. Mas lalo lang tuloy akong nagutom at nag-ingay agad ang tiyan ko.
“You cooked these?” Nagtatakang tanong ko.
Tumawa siya at tinignan ako na para bang nagbibiro ako sa kaniya.
“I live alone and I should know how to cook for myself, Summer.”
Napairap nalang ako dahil sa kayabangan niya. Marunong din naman akong magluto pero prito lang ang kaya ko.
“Where are your parents?” Curious na tanong ko at umupo na roon.
Nagsimulang maglagay ng plato si Damon sa lamesa at nilagyan niya ang plato ko ng mga pagkain.
“My Mother is in the America,” he shrugged.
Tinampal ko nang mahina ang kamay ni Damon dahil naparami na siya ng lagay sa plato ko kaya natigilan naman siya at natawa.
“How about your Dad?” Kunot-noo kong tanong dahil hindi naman niya nabanggit ang Daddy niya.
Nagkibit siya ng balikat, “I don’t know? Maybe he’s already dead?” Hindi siya sigurado sa sinabi niya.
Naglagay rin siya ng pagkain sa plato niya at inabutan niya ako ng soup. Tamang-tama para mainitan ang sikmura ko. Tinignan ko siya ulit habang kumakain kaming dalawa at gusto kong malaman kung bakit nasabi niyang baka patay na ang Daddy niya.
“Huh? What do you mean?” Nagtatakang tanong ko na naman.
“He abandoned us, Summer.” Tumingin siya sa akin at nag-iwas ng tingin.
Natahimik nalang ako at parang pinag-sisihan ko na tanungin pa iyon sa kaniya. Mukang ayaw niya rin pag-usapan ‘yon and I’ll just respect his privacy.
“Okay, let’s not talk about that.” I shrugged.
Tumango siya at pinag-patuloy ang pagkain. Gumaan din ang pakiramdam ko lalo na at nakaramdam ng mainit ang sikmura ko. Nakakainis lang dahil kagabi lang ako muling nalasing! Kadalasan ay hindi naman ako nalalasing dahil ako ang nag-aalaga sa mga pinsan ko kapag nag-iinom kami.
“What if let’s talk about your girls nalang?" Dagdag ko pa at napangiti.
Maraming babae si Damon kaya inisip ko pa kung sino ang mas magandang topic.
“Oh come on, Summer.” Umiling siya at tumawa.
“How about, Astrid?” Tinaasan ko siya ng kilay habang hinihiwa ang pancake sa plato ko.
“Oh! She’s not my type, Summer.”
Napairap ako sa sinabi niya, halos lahat naman yata ng babae sa campus type niya at wala siyang pinalalagpas! Sinasabi niya lang ang mga salitang 'yan para magpasikat sa akin.
“Sinabi sa akin ni Amber, pinaasa mo raw si Astrid.” Tinaasan ko siya ng kilay para asarin.
“I just kissed her once because I was drunk that night,” nagkibit siya ng balikat.
Naglagay ako ng syrup sa pancake at agad kinain ‘yon. Hindi ko alam kung masarap ba ang mga niluto ni Damon or sadyang gutom lang ako kaya naparami ako ng kain ngayon.
“Playboy,” bulong ko.
“What?” Tanong niya nang makitang bumubulong ako.
Napainom ako ng tubig at umiling sa kaniya, busog na ako kaya itinigil kona ang pagkain.
“Wala! Ang sabi ko gusto kona umuwi,” ngumiwi ako dahil nalalagkitan na ako sa sarili ko.
Tumango si Damon at binilisan ang pagkain niya. Nahiya tuloy ako dahil baka akala niya inaapura ko siya.
“Hindi naman kita minamadali, Damon. Baka mabulunan ka,” Tumawa ako.
Talagang binilisan niya ang pagkain niya at mabilis din na uminom ng tubig. Ngumiti siya sa akin at kumindat pagkatapos niyang uminom.
Agad naman akong tumayo at kinuha ang mga plato para malinisan na ang mga ‘yon.
“Hey, ako na.” Hinawakan niya ang siko ko at pilit na kinukuha ang plato sa akin.
“Hawak kona, Damon. Ako na,” pinandilatan ko siya ng mata.
Umiling siya at sumunod sa akin sa lababo habang hawak ang iilang hugasin doon. Lumapit siya sa akin at bahagya akong tinulak gamit ang bewang niya.
“Ang kulit mo, Damon!” Suway ko sa kaniya.
Mabilis kong nailpag ang mga plato roon at kinuha ang sponge para hindi na siya makaapila pa. Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi ako nagpatalo sa kaniya kaya parehas kaming natawa nang lakihan ko siya ng mata.
“Ayoko lang kitang mapagod,” ngumiti siya sa akin ng nakakaloko.
“Asa!” Tinabig ko siya at sinimulan ang paghuhugas ng mga plato roon, sumandal siya sa sink kaya ngayon ay magkaharap kami. Maghuhugas lang ng pinggan mapapagod na? My gosh!
Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko at bigla nalang bumilis ang t***k ng puso ko nang magtama ang paningin naming dalawa. Ganito siguro ang ginagawa ni Damon sa mga babae niya!
Tumahimik nalang ako at inalala ang nangyari kagabi. Ang natatandaan ko lang ay kausap ko si Klaus tungkol sa projects namin at nagsayaw ako sa dance floor at halos masamid ako nang maalala ang lahat.
“Oh problema mo?” natawang sabi ni Damon at agad kumuha ng tubig.
Inabot niya sa akin ang tubig kaya agad kong kinuha ‘yon at ininom. Mas lalo lang tuloy bumilis ang pintig ng puso ko! Taksil talaga ang alak nakakainis!
“T-thanks,” tumikhim ako at hinagod ang lalamunan.
“May nakaalala siguro sa akin,” palusot ko kahit sobrang bilis na ng t***k ng puso ko.
Tumawa si Damon at napailing sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at nagpunas nalang ako ng kamay dahil tapos naman na ang ginagawa ko.
Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko! Hinalikan ko siya kagabi at sobrang nakakahiya ang mga naging reaksyon ko sa ginawa namin kagabi!
“Sino naman nakaalala sayo?” Nakangiting tanong ni Damon.
“Mga admirer ko siguro!” Padabog akong naglakad palabas ng kusina.
Gusto ko na talagang umuwi dahil hiyang-hiya na ako kay Damon. Ang bango-bango niya samantalang ako ay amoy pawis at alak! Hindi kumibo si Damon at padabog na umupo sa sofa niya.
I crossed my arms and looked at him.
“Ihahatid mo ba ako o hindi?” Hindi ko naiwasan ang pagtaas ng kilay ko.
“I’ll take you home but one condition,” tumayo siya at tumingin sa akin. Itinaas pa niya ang isang kamay sa hangin.
“Okay, deal!” Walang dalawang pag-iisip na sabi ko.
Pinakain niya ako at inalagaan kagabi kaya bawi kona sa kaniya ‘yon!
“You’ll come with me.” Sabi niya saba'y kindat.
“At saan naman?” Nakangiwing tanong ko.
“I just wanna show you something,” kumindat siyang muli sa akin.
“Then take me home now," nagkibit ako ng balikat at itinuro ang pintuan.
Tumango siya at mabilis na pumunta sa kwarto niya. Paglabas niya ay may dala na siyang bag at hawak na rin niya ang pouch ko.
“Let’s go.”
Ngumiti siya at hinila ako palabas doon.