I woke up and felt the soreness from what happened last night. Gusto ko pang matulog dahil sa sakit ng ulo pero alam kong tanghali na. Mas idinilat ko ang mga mata ko nang maramdaman si Damon na nakayakap sa akin at mahimbing pa rin na natutulog. Dahil sa pagod kagabi ay hindi na rin kami nakapag-suot ng damit at natulog nalang na tanging comforter ang nakatakip sa amin. Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising at pinulot ang damit para maisuot. Napatingin ako sa paa ko kung ayos na ba at wala na ang pamamaga nito kaya nakalakad na rin ako ng maayos. Ten thirty na nang umaga kaya dumiretsyo ako kaagad sa bathroom para makaligo bago magluto ng almusal namin. Nang matapos ako ay ganoon pa rin ang ayos ni Damon at tulog na tulog pa rin. Kaming dalawa lang ang nasa condo dahil sig