Gusto ko ng aminin kay Damon ang totoo pero natatakot ako, lalo na nang may natanggap na naman akong pagbabanta sa hindi ko naman kilala. Takot ako na baka kapag ipinaalam ko sa kaniya ay mapahamak lang ang mga anak ko. Kahit wala na ang Mommy niya niya ay alam kong hindi niya pa rin talaga kami patatahimikin, may kutob akong ganoon dahil sigurado akong namatay siya nang hindi niya kagustuhan. May problema sa Site at hindi ako makakapunta roon, sinabi ko na rin naman kay Damon ang dahilan ko. Hindi ko nga lang siya maintindihan dahil minsan ay ipinapakita niyang malamig siya sa akin at minsan naman ay kung ano-anong salita ang binibitawan niya sa akin. Kinabukasan nga ay Birthday na nila Hope at Hunter. Nakausap ko na si Mommy na hindi ko itinuloy ang party na gusto nila sa dalawa. Wala