Pinag-bihis muna ako ni Damon dahil ngayon ko lang din nakita na madumi na pala ang suot ko. Hindi ko 'yon napasin kanina dahil sa mga iniisip kaya ngayong nasa Hotel kami ay tsaka palang ako nagbihis. Mabilis lang akong nagbihis dahil hindi ako makapaghintay sa sasabihin ni Damon. Nang lumabas ako ng kwarto ay naroon na siya naghihintay sa akin sa labas. Nakasandal siya sa wall habang naka-krus ang braso sa dibdib niya, tila ba mukang walang iniindang sugat sa balikat niya. Kumain muna kami dahil tanghali na, iyon din ang sinabi niya na kumain muna ako bago niya sabihin ang mga nangyari kanina. Tahimik lang kaming kumakain kaya napatingin ako sa kaniya. "I'll clean your wounds later," sabi ko at muling napatingin sa gawing balikat niya. Huminto siya sa pagkain at napatango bago ituro a